
Aga at Charlene, emosyonal sa regalo ni Atasha
Nami-miss na agad nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez ang anak nilang si Atasha na kaaalis pa lang para magtungo sa UnIted Kingdom nitong Lunes.
Umalis patungong UK si Atasha para ipagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo at ipinost pa nina Aga at Charlene sa kani-kanilang Instagram account ang emosyonal nilang pamamaalam sa anak.
Pag-uwi ng bahay pagkatapos nilang ihatid ang anak sa airport ay nagtungo sina Aga at Charlene sa kwarto ni Atasha at nakita ang surprise ng anak sa kanila.
Nag-effort si Atasha na idikit ang mga family photo nila sa dalawang cartolinas.
May liham din na iniwan sa kanila ang anak.
Sa video na ipinost ni Aga sa IG ay ipinakita niya ang sorpresa ni Atasha at makikita rin si Charlene na naging emosyonal habang tinitingnan ang mga larawan.
“You got us both!!! Kaw talaga! We already miss you ! Pls don’t worry about me and your mom. Enjoy your college and independence.
Continue to be the person that you are. God is with you, ALWAYS! As much as it breaks my heart and your mom’s that both you and Andres will be away for a a long time, pls know in your hearts that we are the happiest for you both . Have fun!! Spread love and kindness! I love you very much my little princess and I will always miss you! Cheers to college life!!” ang caption ni Aga.
Nauna nang umalis two weeks ago ang twin brother ni Atasha na si Andres para naman mag-aral ng kolehiyo sa Spain.