Default Thumbnail

ACT-CIS suportado ang “Tulfo Justice”

June 13, 2021 People's Tonight 402 views

MATAPOS mag-viral ang “chicken towel” ng isang fastfood chain dahil inilapit sa Tulfo Brothers, may ilang netizen ang hindi natuwa sa expose ni Raffy Tulfo.

Ayon sa ilang netizens, “Maliit na problema, bakit inilapit agad sa Tulfo?”

Sa isang pahayag sa media, ipinaabot naman ni ACT-CIS Cong. Eric Yap ang suporta sa Tulfo Brothers.

“Simple lang ang dahilan kung bakit kina Tulfo lumalapit ang mga tao pag may problema – mabilis na aksyon,” paliwanag ni Cong. Yap.

Dagdag pa ni Yap, “kung sa korte o sa mga otoridad lalapit ang tao para sa hustisya, sa Tulfo Justice System, oras o araw lang ang binibilang”.

“Sila kasi ang huling takbuhan ng mga tao para sa hustisya man o iba pang pangangailangan”, pahabol ng mambabatas.

AUTHOR PROFILE