Default Thumbnail

ACT-CIS inihahanda na ang ayuda para sa mga maaapektuhan ng Taal eruption

July 4, 2021 People's Tonight 395 views

INIHAHANDA na ng ACT-CIS Partylist ang ayuda para sa libu-libong residente na maaapektuhan sakaling tuluyan na ngang sumabog ang Taal volcano anumang araw ngayon.

“Of course ang panalangin nating lahat ay huwag matuloy ang pagsabog ng Taal. Pero kung sasabog man ito, nakahanda na ang mga food packs and other assistance na kakailanganin ng mga kababayan natin sa Cavite and Batangas,” ayon kay ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap.

“We will be coordinating with the DSWD and LGUs of Cavite and Batangas para ma-pinpoint ang mga critical areas na much needed ang tulong in the event na mag-erupt na ang Taal,” dagdag pa ni Cong. Yap.

Todo-bantay din ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghanda na bago pa sumabog ang bulkan.

Nagsagawa na rin ng mga preemptive evacuation ang ilang bayan sa Batangas na tiyak na maapektuhan ng pagsabog.

“Batid po namin na marami pa ring kababayan natin sa Batangas na hindi pa nakakabangon ng sumabog ang bulkang taal noong nakaraang taon”, ani Yap.

AUTHOR PROFILE