Anabelle

Abogadong nanulot ng proyekto tinalakan ni Annabelle!

May 21, 2024 Vinia Vivar 218 views

May talak si Annabelle Rama sa kanyang Facebook account kahapon. Tungkol ito sa isang lawyer na diumano ay nanunulot ng project.

“Mag ingat sa pag kuha ng lawyer,” ang pagbibigay babala ni Tita Annabelle sa lawyer na hindi niya pinangalanan.

Hirit pa niya, “Lawyer na hindi kilala, mga trying hard lawyer.”

Pag-ingatan din daw ang mga kontrata dahil baka raw masulot ang projects.

“Mag ingat sa mga contract kasi baka masulut ang project nyo. Lawyer na walang pinag-aralan bastos no respect at all,” aniya.

Pagtalak pa niya, “Ako ang nag saing iba ang kumain. Pangalawa na itong nangyari sa akin.”

Sa comment section ay nagkomento ang isang kakilala niya na saksi kung gaano raw pinaghirapan ng Gutierrez matriarch ang proyektong tinutukoy nito.

“Grabe!!!! Shocking… kawawa ka naman tita. Eto ba yung kenekwento mong project sa akin? Bat naman nasulot? Ilang buwan mo tinrabahu yan tapos susulutin lng ng iba.

“Kahit sinu naman siguro magagalit pag sinulot ang pinag trabahuhan mo,” sey ng kakilala ni Tita A.

“Akala ko ok na ang lahat dahil si big boss nag sabi sayu na sya na bahala sayu. Alam ko yun kasi kasama mo ang kaibigan ko sa London nung kausap mo sya.

“Baka naman pede pa maayus kasi mabait naman si bigboss. Ang alam ko mahal na mahal ka nya. Bat nagka ganyan?” sabi pa nito.

Oh, well, abangan na lang natin kung sino ang lawyer na tinutukoy ni Tita Annabelle.

AUTHOR PROFILE