
A rare interview with Hilda Koronel
IS movie icon and L.A.-based award-winning actress Hilda Koronel staying in the Philippines for good to revive her acting career?
“No,” aniya. “I’m just staying here (Philippines) to shoot a movie at pagkatapos, balik din ako sa L.A.,” paliwanag niya.
It took Hilda 13 years bago siya muling tumanggap ng proyekto, ang historical mystery-thriller movie na “Sisa” mula sa panulat at direksiyon ni Jun Robles Lana and produced by The IdeaFirst Company, which he co-founded with the company’s president, producer, writer and director na si Perci Intalan.
Aminado ang 68-year-old veteran actress na may mga tinanggihan umano siyang offers dahil hindi dumano siya nai-excite sa proyektong inaalok sa kanya until the “Sisa” project was offered to her.
“Nang mabasa ko ang script, I readily said yes dahil kakaiba siya sa mga nagawa ko na before,” pahayag niya.
“I got so excited with the project at sa mga taong nakatrabaho ko. Lahat sila bago ay magagaling,” patuloy pa niya.
Natapos niya ang filming ng pelikulang “Sisa” nang walang snags dahil bukod sa magagaling ang mga taong nakatrabaho niya sa naturang proyekto, lahat umano professional at wala ni isa man sa kanyang mga nakasama ang naging sakit sa ulo.
Hilda is noted sa pagwu-walk-out sa set kapag may nakakatrabaho siyang unprofessional at late na dumarating sa set.
“Unfair kasi `yan sa mga taong dumarating sa set on time. Kapag pinaghintay mo ako sa set nang matagal, hihintayin kitang dumating at saka ako aalis,” natatawa niyang pahayag.
Hilda who is Susan Reid-Moore in real life started her showbiz career in 1969 when she was 12 years old. Napadaan umano sila Lea Productions with her aunt (na kanyang kinalakihan) nang maispatan siya ng isang editor ng nasabing film studio at agad siyang tinanong kung gusto niyang mag-artista. Agad naman siyang ipinakilala sa producer na si Emilia `Aling Miling’ Santos Blas who signed her up to an exclusive contract.
First movie niya ay bida siya kaagad sa “Happy, Hippie, Holiday” with Ed Finlan, the late Jay Ilagan (na kanyang naging mister) at ang yumao na ring si Mildred Ortega. Kasama rin sa movie si Caridad Sanchez at mga yumao na ring sina sina Ike Lozada at Chichay, among others. Ito’y dinirek ni Tony Cayado. May ginawa rin siyang movie na siya ang bida, ang “Haydee” bago siya isinama sa isa sa mga classic movies noon ni FPJ, ang “Santiago” na pinamahalaan ng National Artist for Film na si Lino Brocka under Lea Productions nung 1970. Kasama sa movie sina Dante Rivero, Boots Anson-Roa, Jay Ilagan, Caridad Sanchez at iba pa. Ito ang nagbigay ng first acting award kay Hilda bilang Best Supporting Actress at age 13 sa FAMAS, making her the youngest awardee to date for the category.
May isa pa siyang ginawang movie under Lea Productions, ang “`Till Death Do Us Part” bago siya gumawa ng sunud-sunod na pelikula under Cinemanila Corporation tulad ng “Tinimbang Ka Ngunit Kulang,” with Christopher de Leon in 1974, “Maynila: Sa Kuko ng Liwanag” with Bembol Rocco (1975) at “Insiang” nung 1976 all directed by award-winning megman na si Lino Brocka na siya ring nagdirek ng kanyang weekly drama anthology, ang “Hilda” in 1979.
“Alam ni Lino ang buhay ko. Siya ang mentor at nanay-nanayan ko. Siya ang takbuhan ko kapag may problema ako. He was like my second `mother’ nung nabubuhay pa siya,” pagbabalik-tanaw ni Hilda. “I miss him!”.
“I was Lino’s baby,” aniya pa.
Ayon kay Hilda, ang mga pelikulang “Insiang” at “Hello, Soldier” ay sobrang malapit sa kanyang puso dahil may mga eksena umano doon na may pagkakapareho sa tunay niyang buhay.
Si Hilda ay anak ng isang American serviceman na nakita lamang niya nung maliit pa siya. Nagkahiwalay ang kanyang parents nang hindi umano sumama ang kanyang Filipina mother sa kanyang ama sa Amerika. Since then ay wala na umano silang communication ng kanyang biological father. When she was grown up, hinanap umano niya ang kanyang ama only for her to find out na pumanaw na pala ito kaya wala siyang naging relasyon dito.
Si Hilda ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang tiyahin (sister of her mother). Lumaki umano siyang mahirap at natuto sa lahat ng trabahong-bahay pati na ang pag-iigib ng tubig. Nabago lamang ang kanyang buhay nang siya’y pumasok na sa pag-aartista.
Sa kabila na busy na noon si Hilda sa kanyang showbiz career, naisingit niya ang pag-aaral. She finished high school at the Manuel L. Quezon University at tinapos naman niya ang kolehiyo (International Studies) sa Maryknoll College (now Miriam College).
“Dinadala ko sa set ang assignments ko. Kapag hindi pa ako kinukunan ay doon ako nag-aaral,” pagbabalik-tanaw niya.
“Ipinangako ko sa sarili ko na tatapusin ko talaga ang pag-aaral ko kahit gaano ako ka-busy,” aniya. “At nagawa ko naman,” pagmamalaki pa niya.
Hilda was first married to actor Jay Ilagan with whom she has three daughters na sina Leona, Ixara and Patricia, Isabel del Castillo with businessman Bambi del Castillo, and Diego Lopez (her only son) with Dr. Victor Lopez. Hindi naman siya nagkaroon ng anak sa kanyang Fil-Am businessman husband na si Ralph Moore na sumakabilang-buhay nung 2023, after 23 years of marriage.
Sina Hilda at Ralph ay ikinasal nung 2000 at siyang naging dahilan ng kanyang pagtalikod sa kanyang showbiz career to reside in Los Angeles, California, USA. Since then ay sa L.A. na namirmihan ang award-winning actress, who was among the prettiest during her time.
Sa aming panayam kay Hilda for our online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” ay inamin nito na nagkaroon umano siya ng problema sa kanyang yumaong ina when she was growing up.
Pero naging okey umano sila before she passed on.
Sa anim na anak ni Hilda, tanging si Diego lamang ang kanyang kasama sa L.A. habang ang iba niyang mga anak ay kalat-kalat sa iba’t ibang lugar. Ang isa ay nasa Singapore at dalawa naman ang narito sa Pilipinas. She has four grandchildren now.
Nang talikuran niya ang showbiz nung 2000, tatlong taon umano siyang umiiyak dahil hinahanap-hanap umano niya ang pag-arte until she finally got used to it. Hindi umano siya nanonood sa mga Filipino channels (para hindi niya lalong ma-miss ang showbiz) kaya hindi siya familiar sa mga bagong artista ngayon.
“People misunderstand me being a shy person kaya napagkakamalan nila akong suplada. Mas homebody ako and I don’t go out much and I maintain only a few friends,” pag-amin pa niya.
Although marami ang natutuwa sa muling pagbabalik niya ng Pilipinas para gumawa ang pelikula, hindi pa niya masigurado kung magiging madalas ang paggawa niya ng projects dahil depende pa rin umano ito sa mga proyektong ilalatag sa kanya.
Hilda has been widowed thrice– sa actor na si Jay Ilagan at sa mga businessmen na sina Bambi del Castillo and Ralph Moore.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.