Alex Gonzaga

Alex at Mikee, nagkakainisan!

June 11, 2021 Vinia Vivar 776 views

Ayon kay Alex Gonzaga, nagkakainisan na sila ng asawang si Mikee Morada sa kaartehan niya. Ang mister pala kasi ang ginagawa niyang photographer sa kanyang mga picture.

Ipinost ni Alex sa kanyang Instagram account ang larawan niya na nakatalikod habang naka-sexy one-piece swimsuit at nakaupo sa bathtub.

Sa caption ay sinabi ni Alex na sinita siya ni Mikee kung bakit ganu’n ang suot niya.

“Isa sa mga dahilan kung bakit kami nagkaka-inisan mag-asawa. Nagpapapicture ako sa kanya ng mga kaartehan at kafeelingan..

“Mikee: ‘Ano na naman to Catherine! Bakit ganyan damit mo at pose mo.’ Pero click pa rin sya picture,” kwento ni Alex.

Comment naman ng Ate Toni Gonzaga niya, “Mikee my male version.”

Ang kaibigan naman niyang si Luis Manzano ay nag-react ng maraming “face with tears of joy emoji.”

Sabi naman ni Mariel Rodriguez, “that is soooooo cute.”

Aliw na aliw din ang netizens at super laugh din sila sa kwento ni Alex.

AUTHOR PROFILE