
Pagbuhay sa kaso ni Deniece, ikinagulat ni Vhong
SUMUKO si Vhong Navarro sa NBI kahapon matapos maglabas ang korte ng warrant of arrest sa reklamong isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
Nakausap ng reporter ng DZBB ang lawyer ni Vhong at umaasang mabibigyan ang hiling nilang mapalaya sa bisa ng P36,000 bail si Vhong.
Ani Atty. Alma Mallonga, “Gagawin natin ‘yung kailangan nating gawin. Mag-i-issue rito ng certificate of detention. Si Mr. Navarro ay mapapasailalim sa custody ng NBI hanggang ma-approve ang kanyang bail.”
Sa isa namang interbyu, sinabi ni Vhong na ikinagulat nila na nabuhay ang kaso at feeling niya’y siya pa ang nabaligtad ngayon.
Matagal na ang sigalot na ito ng Vhong vs. Deniece, huh!
BEA, NATSA-CHALLENGE SA PAGIGING KAPUSO
GOOD pressure ang dating ni Bea Alonzo sa lahat ng cast ng GMA’s Start-Up PH, ayon sa kapareha niyang si Alden Richards.
“Sabi ko sa sarili ko nu’ng nakakaeksena ko na siya, ‘Hindi ako puwedeng petiks!’ Hindi gaya sa ibang role ko before na chill lang.
“Mas dinagdagan ko nang konti. Itong taong ito, pinakikitaan ka ng effort, ng 100 percent every taping day, yet hindi mo binibigay nang tama.
“Sobrang galing makisama ni B. Nakita ko ‘yon nang magsama kami sa Bangkok. Very happy kami, and for all the cast na happy kami na kasama namin si B,” pahayag ni Alden.
Para naman kay Bea, “Masaya ako, siyempre. ‘Pag nag-uusap kami, hindi ko naririnig ito. Of course, I am very, very thankful and flattered.
“Siya ang welcoming committee ko sa GMA. Close niya lahat ng mga tao, staff at mga artista.
“He’s very playful on the set. Siya ang nagse-set ng tone na happy lang. Kadalasan kasi, medyo serious type ako pagdating sa trabaho.
“Natutunan ko sa kanya na you don’t have to take so many things seriously. Na minsan puwede ka ring mag-enjoy. ‘Yan ang natutunan ko sa kanya,” dagdag pa ni Bea.
Sa pagiging Kapuso, hindi takot ang nararamdaman ni Bea kundi challenge.
“Siyempre, adjustment period dahil ngayon ko lang sila makakatrabaho. I’m always on my toes. I always try to be the best person.
“Now that I am starting again, mas ini-enjoy ko lang. Now I know how to enjoy,” sey ni Bea.
Sa September 26 ang simula ng Start-Up PH mula sa direksiyon nina Dominic Zapata at Jerry Sineneng.