Paradise

Derrick at Elle, painit nang painit ang mga eksena

August 28, 2022 People's Tonight 654 views

Sa true lang ay hulog na hulog na ang loob sa isa’t isa nina Derrick Monasterio at Elle Villanueva bilang sina Red at Eden sa afternoon drama series na Return to Paradise ng GMA Network pero hindi pa nila alam ang malalim na hidwaan ng kanilang mga ina.

And take note, sobrang init ng kanilang mga love scene sa nasabing serye at talagang todo bigay ang kanilang mga katawan.

Ang sabi nga ni Derrick sa isang interview, “May process kami as actors and individuals. Ginawa namin ang mga intimate scene rito sa Return to Paradise as professionals. Kaya hindi na kami naiilang ni Elle sa isa’t isa. At importante pa rin for me to ask Elle what her limitations are kasi ayokong maka-disrespect ng co-actors ko.”

Abangan ang painit nang painit na kuwento ng Return to Paradise tuwing 3:25 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapuso channel.

Speaking of Kapuso channel, kahit matagal nang umeere ang Daig Kayo Ng Lola Ko ay patuloy pa rin ang pagtaas ng ratings nito.

Iba-iba kasi ang episodes nito kada Linggo ng gabi na talagang kapupulutan ng aral lalo na ng mga kabataan. Ni Mercy Lejarde

AUTHOR PROFILE