Bong

The Revillas: All in the family

August 25, 2022 Aster Amoyo 505 views

A FEW days ago ay nanumpa na ang kinatawan ng Cavite at misis ng actor-politician na si Sen. Ramon `Bong’ Revilla, jr. , ang actress-politician na si Lani Mercado bilang miyembro ng Commission on Appointments. Sa Kongreso ay naatasan siyang maging chairperson of the Transportation Committee and Vice Chairperson of the Housing Settlements and Urban Development Committee.

“Yesterday, I took my oath as a member of the Commission on Appointments, and given the privilege to be Chairperson of the Transportation Committee and Vice Chairperson of the Housing Settlements and Urban Development Committee. It is an honor that I did not expect and one that I am truly grateful for. As part of the Commission, we are tasked to ensure that all persons appointed by the Executive Department are qualified and professional, and might I add, would work for the greater good of the Filipino. It is a position that I take seriously and you can count on me to do much research and even more critical thinking in the performance of my duty,” pagbabahagi ni Rep. Lani sa kanyang Instagram account.

Minsan na ring nanungkulang kinatawan ng ikalawang distrito ng Cavite si Lani (2010-2016) bago siya naging mayor ng Bacoor, Cavite mula 2016 hanggang 2022. Muli siyang bumalik sa Kongreso sa 2022 national and local elections replacing his brother-in-law na si Strike Revilla.

Bukod kay Lani, kasama rin niya sa Kongreso ang dalawa sa kanilang mga anak ni Sen. Revilla na sina Bryan at Jolo Revilla.

Si Bryan ay first time politician nang ito’y tumakbo bilang kinatawan under Agimat Partylist habang si Jolo ay tatlong terminong nanungkulan bilang Vice-Governor ng Cavite bago siya naging congressman ng 1st district ng Cavite.

Dalawa sa mga younger siblings ni Sen. Bong na sina Strike Revilla at Rowena Bautista-Mendiola ay nasa puwesto rin bilang mayor at vice-mayor ng Bacoor, Cavite habang ang brother-in-law ng actor-politician na si Casimiro `Jun’ Alcantara Ynares ay balik sa pagiging mayor ng Antipolo.

Si Jun Ynares ay naging governor din ng Rizal nung 2007-2013 bago siya naging mayor ng Antipolo. Isang termino namang naging mayor ng Antipolo ang kanyang wife at misis ng kapatid ni Sen. Bong na si Andrea `Andeng’ Bautista-Ynares.

Except for his brother-in-law na si Antipolo Mayor Jun Ynares, si Sen. Bong Revilla ang nag-administer sa oath of office ng kanyang misis na si Lani, mga anak na sina Bryan at Jolo at mga kapatid na sina Strike at Rowena na ginanap sa St. Michael the Archangel Parish in Cavite na dinaluhan din ng ibang mga anak ng mag-asawang Sen. Bong at Rep. Lani na sina Inah, Gianna, Loudette at Ram.

Jeric

Jeric hindi pinanood ang sexy scenes ni AJ

SA kauna-unahang pagkakataon ay dumalo ang dating action star ng OctoArts Films at ngayon ay nasa pangangalaga ng Viva ang actor na si Jeric Raval sa press preview ng action-sexy movie na “Sitio Diablo” na pinagbibidahan nina AJ Raval at Kiko Estrada mula sa direksiyon ni Roman Perez, Jr. at kung saan din kasama ang isa sa mga anak ni Jeric, ang rapper-turned actor na si Ace Raval.

At the Wing Zone (Araneta Center) kung saan tumuloy ang cast, director, press people and vloggers after the preview, inamin ni Jeric na hindi umano niya pinanood ang mga sexy scenes ng anak na si AJ. Pinanood lamang daw niya ang mga action scenes na ginawa nito and he’s mighty proud sa ipinakitang husay at angas ng Viva sexy star.

Ayon kay Jeric, siya umano ang nag-train kay AJ kahit nung bata pa ito dahil mahilig na umano noon pa man sa mga action scenes. Kahit umano sa shooting (ng guns) ay isinasama niya noon ang anak.

Kung may pagkakataon, gusto niyang makatrabaho ang mga anak niyang sina AJ at Ace sa pelikula habang ang isa pa niyang anak na si Janina (sa dating actress na si Monica Herrera) ay hindi nagtagal sa kanyang showbiz career matapos itong magkaroon ng sariling pamilya.

Samantala, inamin ni AJ na kinalakihan niya ang pagiging action star noon ng kanyang amang si Jeric kaya noon pa man ay nagpakita na siya ng interes na gumawa ng action movies. Thankful siya sa Viva at kay Direk Roman dahil tinupad nila ang kanyang pangarap na makagawa ng action movie sa pamamagitan ng “Sitio Diablo” at bonus pa umano ang pagkakasama sa movie ng kapatid niyang si Ace Raval.

Bukod kay Jeric, nagpakita rin ng suporta kina AJ at Ace ang tatlo pa (sa 18) mga anak ng actor na sina JK at Gabe.

Ang “Sitio Diablo” na matutunghayan sa Vivamax streaming app simula ngayong August 26.ay tinatampukan din nina Benz Sangalang, Massimo Scofield, Karl Aquino, Alvaro John Oteyza, Shiena Yu, Sujin Kwon, Alona Navarro, Sahil Khan at ang mga rappers-turned actors na sina Pio Balbuena, Because, Cean Jr. at Ace Raval.

Angelica

Angelica malapit nang maging ina

IN a couple of weeks ay masisilayan na ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban at ng kanyang partner, ang Subic-based Australian businessman na si Gregg Homan ang kanilang magiging unang supling na baby girl.

Pero bago ang kanyang panganganak ay in-enjoy nang husto ni Angelica ang kanyang first maternity pictorial na ginawa mismo atop a yacht in Subic.

Parehong excited ang soo- to-be parents sa kanilang magiging first baby.

Kaya tiyak na magiging masaya ang darating na Christmas holidays kina Angelica at Gregg dahil meron na silang little angel na makakasama.

Ang pagiging isang ina ay isa sa mga ultimate dreams ng Kapamilya actress.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of ‘TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ” with Aster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE