Erika

Anak ni Ina nagpabawas ng dibdib

July 14, 2022 Aster Amoyo 1552 views

WHILE some female celebrities go under the knife for breast enhancement, kakaiba naman ang ginawa ng panganay na anak ng actress na si Ina Raymundo na si Erika Rae Poturnak dahil sumailalim ito ng bust reduction kamakailan lamang.

Nang magdalaga si Erika, she noticed her well-endowed breasts at dumating siya sa point na sobra na siyang nalalakihan sa kanyang dibdib.

Erika (21) who is rumored to be in a relationship with cager, Kobe Paras, decided na magpabawas ng kanyang dibdib which she shared sa kanyang social media account last Wednesday, July 19.

Si Erika na isa ring social media influencer ay natanggap sa Berklee College of Music in Boston, USA nung isang taon. Siya’y panganay sa limang magkakapatid nina Ina at Canadian-Ukrainian businessman Brian Poturnak. Sumusunod sa kanya ang kanyang only brother na si Jakob. Their younger siblings include Mikaela Jade, Anika Sage and Minka Eve.

Her mom, Ina Raymundo is back in showbiz magmula nang sila’y mag-relocate sa Pilipinas mula Canada years ago.

About a week ago, Erika was seen together with Kobe Paras and other friends in Bali, Indonesia which fueled the romantic relationship of the two.

KCKC1KC2

KC dumalo sa kasal ng half sister sa Sweden

SA kabila na magkakaiba ang kanilang mga ina, KC Concepcion (37) being the eldest of five children of former matinee idol Gabby Concepcion makes it a point na magkaka-close silang magkakapatid.

KC is the eldest being Gabby’s daughter with first wife, Sharon Cuneta. She has four younger siblings (all girls) na sina Garie (with businesswoman Grace Ibuna), Cloie (with Gabby’s second ex-wife na si Jenny Syquia-Skarne) at sina Samantha at Savannah (by Genevieve Yatco Gonzales, Gabby third and present wife).

Sa wedding ni Cloie to her fiancé na si Fredrik Hill last July 9, 2022 in Sweden, KC made sure na naroon siya sa pinakamahalagang araw ng nakababatang kapatid.

Ang wedding ceremony nina Cloie at Fredrik ay ginanap sa Djurdsholm’s Chapel in Sweden. The couple got engaged nung September 2020 pagkatapos ng kanilang anim na taon bilang magkasintahan.

Si Cloie na isang model-beauty queen ay naging kinatawan ng Sweden sa 2016 Miss Earth competition held in the Philippines. Two years later, sumali rin siya sa Miss Universe – Sweden where she landed as first runner-up at dito na niya tinapos ang kanyang pageantry journey.

Tuwang-tuwa si Cloie sa pagdalo ni KC gayundin ang ina ni Cloie na si Jenny.

Si Cloie ay in-adopt na ng kanyang Swedish step-dad na si Filip Skarne.

Samantala, si KC ay naka-base ngayon sa Los Angeles, California, USA.

Rita ayaw pa ring tumigil sa trabaho kahit buntis na

SA kabila na kitang-kita na ang baby bump ng singer-actress na si Rita Daniela, nagre-report pa rin ito sa musical variety show ng GMA, ang “All Out Sundays.”

Ayaw pa rin niyang pangalanan ang nakabuntis sa kanya hanggang ngayon.

Mickey

Mickey open sa bagong relationship

HINDI ikinakaila ng 49-year-old actress-host na si Mickey Ferriols na bukas pa rin siya sa posibilidad na umibig muli. Matagal na siyang single matapos silang maghiwalay ng kanyang ex-boyfriend, ang actor-comedian, dancer at host na si Archie Alemania, ama ng kanyang 16-year-old old son na si Brent Marcus Alemania.

After her break-up with Archie ay muling nagkaroon ng boyfriend si Mickey who’s ten years her junior. He was a Christian at ito umano ang naging daan para mapalapit siya sa Diyos. Pero nagkaroon umano ng ilang issues sa kanilang pagitan which led to their separation kaya balik siya sa pagiging single.

“I never closed my doors naman na muling umibig,” pag-amin sa amin ni Mickey sa exclusive na panayam sa aming “TicTALK with Aster Amoyo” on our YouTube channel.

Sa kabila na may sarili nang pamilya ngayon si Archie, napanatili nila ni Mickey ang pagiging magkaibigan dahil sa kanilang anak na si Brent. Natutuwa rin ang actress-host sa wife ni Archie na si Gee Canlas dahil mabait ito sa kanilang anak ni Archie.

Bukod kay Brent, may isa na ring anak ang mag-asawang Archie at Gee at may dalawa pang anak sa iba ang actor-comedian-host bago ito tuluyang nagpakasal kay Gee.

Unknown to many, si Mickey ay half-sister (sa father side) ng dating actress at ex-wife ng former cager-turned actor-comedian na si Benjie Paras na si Jackie Forster. Pero hindi na ginagamit ni Mickey ang family name ng kanyang biological father dahil in-adopt na siya ng kanyang step-dad na isa ring American at kung kanino siya very close.

Hindi ikinakaila ng actress-host na dumaan umano siya sa depression nang tatlong taon siyang mawala sa showbiz matapos magka-problema sa dating talent manager. Inisip niya noon na katapusan na ng kanyang showbiz career. Pero pagkaraan ng three years ay muli siyang nakabalik.

Sa kasagsagan ng pandemic ay binalikan ni Mickey ang isa sa kanyang mga passion, ang pagpipinta. Bukod sa nakagawa na siya ng solo exhibit ay sumasali din umano siya sa mga group exhibit. Aminado si Mickey na marami umano siyang realizations and discoveries during the pandemic.

“I should have saved more,” aniya. “Thankfully, naging part ako ng ‘A Soldier’s Heart’ TV series sa gitna na pandemya kaya kahit papaano ay may income pa rin ako,” pag-amin pa niya.

Bukod sa acting, in-demand pa rin si Mickey sa mga corporate shows bilang host at umaasa siya na sana’y makabalik din siya sa paghu-host on TV.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE