Louise takot sa horror pero excited gawin ang ‘Deleter’
SOBRANG excited si Louise de los Reyes sa kanyang papel sa pelikulang ‘Deleter’ ng Vivamax, kasama sina Nadine Lustre at McCoy de Leon, sa ilalim ng direksyon ng young filmmaker na si Mikhail Red.
Sa story conference ng naturang pelikula na ginanap sa Botejyu Restaurant sa Capitol Commons sa Pasig, sinabi ni Louise na natutuwa si ys na hindi conventional ang mga pelikulang ginagawa niya sa Viva,. Nangangahulugan daw ito na pinagkakatiwalaan siya ng kompanya bilang aktres at naniniwalang kaya niyang gawin kahit mahirap na papel.
Inilarawan ng direktor na isang techno-horror film ang ‘Deleter.’.
Sa naturang pelikula, gaganap si Louise bilang si Aileen, kasamahan ni Nadine bilang Lyra na isang online content moderator na nagpi-filter ng mga graphic content bago pa ito makarating sa mga internet user. May mga kakaibang imagery siyang nakikita na hindi nakikita ng karakter ni Nadine.
“Nabasa ko pa lang po ang script, excited na ako,” ani Louise. “Hindi ako masyadong mahilig sa horror movies, pero masaya para sa akin na gawin ang project na ito.”
Isa sa hindi niya makalimutang pelikulang horror ang Thai movie na ‘Shutter.’ Nang mabasa niya ang script ng ‘Deleter,’ alam niyang ganito rin ang takot na mararamdaman ng manonood.