Smith

Will nag-public apology kay Chris at Oscars management

March 29, 2022 Aster Amoyo 1034 views

MAINIT ang panahon sa Pilipinas pero malamig pa rin ang weather sa America ngayon. Nakabibigla ang ginawa ng 53-year-old American award-winning actor, rapper and film producer na si Will Smith nang umakyat ito ng stage at walang kaabug-abog na sinampal ang 57-year-old American stand-up comedian, actor at filmmaker na si Chris Rock who were among the presenters that evening. Ten minutes later, Will was announced as the Best Actor for the movie “King Richard” at tila walang saysay ang kanyang acceptance speech at pagsu-sorry sa kanyang naging action earlier.

Will was with his wife na si Jada Pinkett-Smith nang pagbalingan ito ng biro ni Chris who was on stage at that time. Apparently, hindi naibigan ng mag-asawa ang ginawang pagpapatawa ni Chris kaya dali-dali itong umakyat ng stage si Will at walang karaka-rakang sinampal ang presenter.

The slapping incident marred the smooth flow of the 94th Academy Awards na ginanap sa Dolby Theatre in Los Angeles, California, USA hosted by Regina Hall, Amy Schumer at Wanda Sykes.

Kinondena ng pamunuan ng The Academy of Motion Picture Arts and Sciences, ang grupo na siyang namimigay ng prestigious Oscar awards taun-taon ang insidente at magsasagawa rin sila ng sarili nilang imbestigasyon at kung ano ang puwede nilang ipataw sa ginawang pananampal ni Will kay Chris Rock.

Ito bale ang kauna-unahang insidente na nangyari sa 94-year history ng Academy Awards.

The day after, humingi ng public apology si Will kay Chris, gayundin muli sa pamunuan ng Oscars at tinawag ang sarili na “work in progress”. May anger management problem si Will.

WillieWillie ligtas na

IBINALITA ng game show host-producer and businessman na si Willie Revillame sa kanyang daily variety game show na “Wowowin” last Monday (March 28) na wala umano siyang sakit na cancer matapos ibalita sa kanya ng kanyang doctor. Ang nakitang polyps sa kanyang stomach at colon ay benign at hindi rin siya kailangang sumailalim ng operasyon.

Nagpapasalamat si Willie sa mga taong nagdasal para sa kanya.

Na-discover ang pagkakaroon ni Willie ng polyps sa kanyang colon nang sumailalim siya ng executive check-up recently after two years. He also encouraged everyone na regular na magpa-check-up dahil mahalaga ang malusog na pangangatawan.

BeaBea may babalikan sa Spain

DURING the formal launching of Bea Alonzo bilang pinakabagong miyembro ng brand ambassadors ng Beautederm, hindi muna sinabi ng bagong Kapuso star ang dahilan ng kanyang biglaang pag-alis na mag-isa patungong Madrid, Spain where she stayed for at least a week. Pero babalik pa raw siya sa nasabing lugar kasama ang kanyang ina kung siya’y mabibigyan ng libreng oras sa taping ng kanyang kauna-unahang TV drama series sa GMA, ang Philippine adaptation ng K-drama series na “Start-Up” na pinagtatambalan nila ng Kapuso homegrown prized actor na si Alden Richards kasama ang ilang Kapuso actors tulad nina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales at iba pa. Kasama rin sa nasabing serye ang actress-director na si Gina Alajar.

Excited si Bea sa kanyang unang proyekto with GMA kung saan siya lumagda ng kontrata last July 1, 2021. Bukod kay Alden, excited din siya na makatrabaho ang iba pang mga Kapuso stars and actors, directors and production people.

Since unang proyekto niya ang “Start-Up” with GMA, simula pa lamang umano ito ng marami pang exciting projects with the network.

Wala pang update si Bea as to the first movie na pagtatambalan nila ni Alden na pamamahalaan ni Nuel Naval na isa ring local adaptation.

Christian kakaiba raw ang role sa ‘Darna’

MASAYA ang award-winning actor na si Christian Bables na siya’y kasama sa iconic TV series na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pinagbibidahan ng Kapamilya actress na si Jane de Leona at pinamamahalaan ng premyadong veteran director na si Chito Rono.

Ayon kay Christian, kakaiba umano ang kanyang role sa nasabing serye na never pa umano niya nagawa in his past projects. Thankful din siya kay Direk Chito na siya’y isinama sa nasabing TV series. Direk Chito directed and produced Christian’s award-winning movie “Signal Rock” in 2018.

Bukod sa “Darna” TV series, may pelikula ring nakatakdang gawin si Christian to be directed by Jun Robles Lana who directed most of Christian’s movies.

Dido humihingi ng tulong

HUMIHINGI ng dalangin at tulong pinansyal ang character actor na di Dido de la Paz na ang kanser ay umabot na sa kanyang utak.

Nais pang mabuhay nang matagal ng actor para sa kanyang pamilya laluna sa kanyang mga anak na nag-aaral pa.

Sa laki ng halagang kakailanganin niya para sa operasyon, gamot at iba’t ibang medical procedures, hindi ngayon malaman ng actor kung saang kamay ng Diyos niya kukunin ang malaking halaga gayundin ang gastusin ng kanyang pamilya.

Patuloy na kumakatok si Dido sa mga taong may pusong tumulong sa mga taong nangangailangan katulad niya.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE