Diego

Cesar at Diego nagkabati pagkatapos ng pitong taon

March 4, 2022 Aster Amoyo 621 views

CesarISA kami sa natutuwa sa muling pagkakasundo ng mag-amang Cesar Montano (59) at Diego Loyzaga (26) matapos mag-reach out ang huli sa kanyang ama ending their seven years `silent tampuhan’.

When we had our recent exclusive interview with Cesar for our online show, “TicTALK with Aster Amoyo,” the singer-actor-director-writer and producer were all praises for his son (with singer-actress Teresa Loyzaga) dahil sa husay nitong actor at pagiging maganda ng takbo ng showbiz career ngayon. We even mentioned it to the young actor who was then vacationing in the US and he felt happy about it.

Ang recent break-up ni Diego with Kapamilya young actress na si Barbie Imperial ang naging dahilan sa biglaang pag-alis ng young actor patungong Amerika last December 30, 2021 where he spent more than a months long vacation. While in America, maraming napagtanto ang actor at isa na rito ang pakikipag-ayos sa kanyang ama na matagal niyang nakatampuhan. He must have realized that at the end of the day, family will always be there for him.

Last Thursday, March 3, Diego posted in his Twitter account how happy he is ngayong okey na sila ng kanyang amang si Cesar na nakalaro pa niya sa basketball.

“Seven years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again. I apologize for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would. One thing we can do is make up for it. It was so good to see you & play ball with you today. Value your family & loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the world’s problems. Just peace and love & nothing else matters,” mahabang post ni Diego sa kanyang Twitter account.

Diego also posted his recent photos with his father (after playing basketball) maging ang baby picture niya with his dad.

Ngayong natapos na ang hidwaan ng mag-asawang Cesar at Diego, possible nang magsamang muli ang dalawa sa isang proyekto. The young actor even mentioned to us na gusto niyang makatrabaho ang kanyang ama sa isang full-length movie na hindi naman imposibleng mangyari.

Dahil sa tagal nang hindi pagkikita ng mag-ama, nangako ang dalawa to make up for the lost time.

Ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga ay isa sa mga natuwa sa pagkakaayos muli nina Diego at ama nitong si Cesar.

Drama shows ng ABS-CBN napapanood sa ibang bansa

SA kabila ng pagkawala ng broadcast franchise ng ABS-CBN nung May 2020, patuloy pa ring namamayagpag ang mga programa ng Kapamilya channel sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang digital platform. Bukod dito, marami sa mga programa ng ABS-CBN ang ipinalalabas sa iba’t ibang bansa dubbed in their local languages tulad ng 41 bansa ng Africa, Myanmar at iba’t ibang bahagi ng Latin America tulad ng Mexico, Ecuador, Colombia, Peru at Dominican Republic.

Kung sa Pilipinas ay usong-uso ang pagpapalabas ng Tagalog-dubbed TV series ng iba’t ibang bansa including South Korea, Thailand, Japan and Mexico, nangyayari rin ito sa mga local TV series ng ABS-CBN na locally-dubbed in various countries.

Palabas sa Ecuador ang hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” nina Dimples Romana, Beauty Gonzales, Albert Martinez, Andrea Brillantes at Francine Diaz na may pamagat na “La Heredera”. Habang ang hit primetime TV series na “A Love To Last” na tinampukan nina Bea Alonzo, Ian Veneracion at Iza Calzado na pinamagatang “Un Amor Duradero” ay palabas naman sa ibang Latin countries tulad Peru, Colombia, Ecuador at Dominican Republic habang palabas naman sa Mexico ang 2015 TV series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “Pangako Sa `Yo”.

May ilang serye rin ang ABS-CBN na palabas din sa iba’t ibang Asian countries.

Samantala, patuloy na umaani ng tagumpay in terms of viewership ang local adaptation ng BBC drama series na “Doctor Foster” na pinalitan ng titulo ng ABS-CBN at ginawang “The Broken Marriage Vow” kung saan tampok na mga bituin sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at Zaijian Jaranilla.

Sa rami ng magagandang original TV series meron ang ABS-CBN, hindi malayong maipalabas ang karamihan sa kanilang mga serye sa iba pang mga bansa na matagal na rin nilang ginagawa.

defensorMike Defensor may pangako sa entertainment industry

STARTING March 25, 2022 ay magsisimula nang mangampanya ang mga local candidates sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas tulad ng governors, vice governors, board members, mayors, vice mayors, district councilors and representatives maging ang mga kinatawan ng iba’t ibang partylist. Pero even as early as last year, marami na sa kanila ang indirectly ay nangampanya at nagpaparamdam na sa kanilang mga balauarte habang ang marami sa kanila ay sumasama na sa iba’t ibang kampanya ng mga national candidates na pinangungunahan ng mga kandidato sa pagka-presidente, vice-president at senatorial candidates.

BelmonteIn Quezon City, tiyak na magiging mahigpit ang labanan between the incumbent mayor na si Mayor Joy Belmonte at ng kanyang vice-mayor na si Gian Sotto, anak ng Senate President at Vice-Presidentiatable na si Sen. Tito Sotto sa tambalan nina AnaKalusugan Partylist Representative na si Mike Defensor at ni QC Councilor Winnie Castelo, misis ng dating actress at newscaster at incumbent Quezon City 2nd district councilor na si Precious Hipolito-Castelo.

Nangako si Partylist Rep. Mike Defensor na marami umanong mga pagbabago ang aasahang mangyayari kapag siya ang nahalal na mayor ng pinakamalaking siyudad ng National Capital Region (NCR) at kasama na rito ang paggawa ng Quezon City bilang Entertainment Capital of the Philippines na matagal nang pangarap ng namayapang star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno, pagpapatayo ng museum, pagpapa-ilaw sa mga major and inner streets, pagbibigay ng maraming benepisyo sa mga senior citizens at sa mga mag-aaral, pangkabuhayan sa mga mamamayan, more developments in Quezon City at marami pang iba.

Si Cong. Mike ay nagtapos ng kanyang primary, college and master’s education sa University of the Philippines, high school sa Niles McKinley High School at sa University of Liverpool (England) naman siya kumuha ng Masters in International Business Law. He is married to Julie Rose Tactacan-Defensor at meron silang limang anak na sina Michaela Francesca, Miguel Gabriel, Michael Angelo, Michelle Angela at si Juliana Pia.

Naging miyembro rin siya ng “Spice Boys” of the 11th Congress at pinakabatang naging Cabinet member bilang Secretary of Housing. Naging Secretary of Dept. of Environment and Natural Resources din siya at naging Chief of Staff, Office of the President nung term ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Naging kinatawan din siya ng ikatlong distrito ng Quezon City kung saan din siya nanilbihang konsehal sa loob ng isang term.

SaturnoWillie mapapanood muli

MUKHANG sandali lamang ang pagkawala sa ere ng game show ng game show host-producer na si Willie Revillame na nagpaalam na sa kanyang daily “Wowowin”program sa GMA nung nakaraang February 11, 2022.

Willie will soon resurface sa ere sa pamamagitan ng kanyang bagong game show na pinamagatang “Tutok to Win” na malamang ay mapanood na sa bagong broadcast network na pag-aari ng business tycoon at dating senador na si Manny Villar, ang Advanced Media Broadcasting System na siyang naka-acquire ng dating frequency na pag-aari ng ABS-CBN.

Willie is a close ally of the former Senate President na si Manny Villar. May mga lumalabas pang mga balita na malaki umano ang magiging papel ng game show host-producer sa bagong tatag na AMBS ng mga Villar.

Willie recorded the theme song of “Tutok to Win” na kinompos ng veteran songwriter-composer na si Vehnee Saturno who also supervised the recording.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE