Vargas Si P/Lt.Col. Cenon Vargas, hepe ng Station 1 sa Tondo ang kabilang sa mahigit 1,000 pulis Maynila na nakatanggap ng COVID-19 booster shots sa MPD Headquarters sa U.N Avenue, Ermita, Manila. Kuha ni JON-JON REYES

Mahigit 1K MPD pulis tinurukan ng booster

December 1, 2021 Francis Naguit 376 views

UMABOT sa 1,300 na miyembro ng Manila Police District (MPD) ang naturukan na ng COVID-19 booster shots Miyerkules ng umaga sa loob ng MPD Quadrangle sa United Nation Avenue, Ermita, Manila.

Ayon kay MPD spokesman P/Major Philipp Ines, ito ay nasa bahagi na ng A1 category o mga frontliner na katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan ngayong pandemya ang mga kapulisan ng MPD.

Ang mga pulis na nakatanggap ng booster shots ay iyong mga nakakumpleto na ng 1st dose at 2nd dose at lagpas sa anim na buwan nang nabakunahan.

Kaugnay nito, sinabi ni MPD Director P/B. Gen Leo ” Paco” Francisco, na wala silang aktibong kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan.

“Kailangang laging malusog ang pangangatawan ng mga Pulis Maynila upang maiwasan at mailayo sa anumang mga karamdaman. Ngunit ang mga pulis ay dapat huwag mag pakakampante, ugaliing mag-ehersisyo at uminom ng bitamina,” ani Francico.

Gayunman umabot na sa mahigit 1,100 ang kabuuang bilang ng mga pulis Maynila ang tinamaan ng virus na COVID-19 kung saan lima ang binawian ng buhay ng mga nakaraang taon at buwan. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE