
MPD patuloy ang malasakit sa mga Mañileno kahit Alert Level 3
KAHIT na ibinaba na sa Alert Level 3 ang COVID alert status sa Metro Manila, patuloy pa ring bigyan ng seguridad ang mga mamamayan at malasakit ang lungsod. Ito ang ibinahagi ng pamunuan ng Manila Police District sa pamumuno ni MPD Director Police Brig.Gen. Leo M. Francisco at MPD PIO chief Capt. Philipp Ines sa lahat ng MPD stations sa lungsod.
Patuloy naman ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ang mga kapulisan ng Maynila sa kani-kanilang mga areas of responsibility.
Maging ang Sampaloc Police Station 4 sa pamumuno ni PLt. Col. Genr M. Licud ay nagsagawa ng One Time Big Time Operation sa kanilang mga nasasakupan lugar.
Ang MPD Jose Abad Station 7 ay nagsagawa ng disaster management seminar sa mga opisyal ng at drug surrenderers ng Barangay 186 Zone 16 sa pamumuno ni PLt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III kasama ang mga opisyal ng nasabing barangay sa pangunguna ni Chairman Rene Maslog.
Ang MPD Pandacan Police Station 10 sa Beata PCP ay nagsagawa ng Oplan Galugad, barangay visitation, foot patrol at Oplan Bandillo sa Barangay 830 sa ilalim ni Chairman Medina at sa pamumuno ni PLt. Col. Dennis V. Rodriguez, commander ng MPD Station 10.
“Layunin ng mga programa na turuan at ipagbigay-alam sa publiko ang mga ordinansa ng Lungsod ng Maynila at ang mga ipinagbabawal,”ani Rodriguez.
Ang mga tauhan ng Beata PCP sa ilalim ng pangangasiwa ng PLt. Rico A. Gegabalen ay patuloysa pagsasagawa ng Barangay Visitation at Oplan Galugad sa Brgy 830 Zone 91 kasama ang mga barangay officials.
Lubos naman ang pasasalamat ni MPD Director PBGen Leo M. Francisco sa kanyang mga kapulisan dahil kahit na nasa Alert Level 3 na ang lungsod ng Maynila,.ay patuloy pa rin ang pagpapatupad nila ng batas at malasakit sa kanilang kapwa pulis at mamamayana.
“Kapag ang pulos ay may serbisyong TAMA: Tapat na may Tapang at Malasakit para sa Mamamayan magiging matagumpay ang bayan” ani Francisco. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES