QCPD

2 drug suspek nalambat

April 15, 2025 Melnie Ragasa-limena 110 views

DALAWANG drug suspek ang naaresto at nahulihan ng mahigit P217,000 na halaga ng shabu sa buy-bust sa Quezon City noong Lunes.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD director, P/BGen. Melecio Buslig Jr. ang mga suspek na sina alyas Pagcaliwagan at Tisbe.

Sa report ni Masambong Police Station 2 officer-in-charge P/Maj. Jan Christian Bautista, naganap ang operasyon sa Bansalangin St., malapit sa kanto ng EDSA, Brgy. Veterans Village, Quezon City.

Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency–National Capital Region (PDEA-NCR), isang pulis na nagpanggap na adik ang nakipagtransaksyon sa isa sa mga suspek at nakabili ng P5,500 na halaga ng shabu.

Nang maisakatuparan ang pre-arranged signal, agad na dinakma ang dalawang suspek.

Nakuha mula sa mga suspek ang 32 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P217,600.00 at ang buy-bust money.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa dalawang naaresto.