Chariz ngayon lang ibinunyag ang iskandalo

April 14, 2025 Aster Amoyo 351 views

Chariz1NGAYON lamang nagsalita ang Kapuso singer, actress-comedienne na si Chariz Solomon na nung 2018 pa sila nagkahiwalay ng kanyang businessman ex-husband na si Nestor Ng kung kanino siya may dalawang anak, sina Apollo at Ali. It was in December 2012 nang sila’y ikasal at pagkatapos ng halos anim na taon ay nagkahiwalay sila. Taong 2019 when she filed an annulment case at nitong January 2025 lamang na-aprubahan.

Pareho nang may kani-kanyang ibang partner ngayon sina Chariz at ex-husband na si Nestor pero ang maganda sa dating mag-asawa ay nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan dahil na rin sa kanilang dalawang anak na pareho nilang mahal na mahal.

May anak na si Chariz sa kanyang present partner kung kanino siya engaged na ngayon na si Vince Teotico, ang four-year-old na si Andreas.

Si Chariz ay produkto ng talent search na “StarStruck: The Next Level” nung 2007 habang ang twin brothers niyang sina Fourth and Fifth Solomon ay nagmula naman sa Pinoy Big Brother.

Although engaged na si Chariz at Vince, priority nila ngayon ang bahay na kanilang ipinagagawa dahil ang bahay ni Chariz with her ex-husband na si Nestor ay nakalaan na para sa kanilang dalawang anak na sina Apollo at Ali.

Si Chariz ay longtime mainstay sa longest-running gag show on GMA, ang “Bubble Gang” na pinagbibidahan ni Michael V.

Billy magiging tatay uli

BillyMAGKAKAROON na ng baby brother or sister ang four-year-old son ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia na si Amari matapos i-announce ng mag-asawa sa kanilang Instagram account that they’re expecting their second child.

Excited si Amari dahil malapit na siyang maging kuya.

Sina Billy at Coleen ay ikinasal in Balesin Island Club nung April 2018.

Sayang at wala na si Billy sa bakuran ng ABS-CBN laluna ngayon na kandidato sa pagka-vice governor ng Batangas si Luis Manzano at abala sa pangangampanya for the coming May 12 elections.

Hosting jobs ni Luis napunta kay Robi

SAMANTALA, halos lahat ng hosting jobs ni Luis Manzano sa ABS-CBN ay napunta kay Robi Domingo.

Bukod sa “ASAP Natin `To,” si Robi ay isa rin sa mga hosts ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” maging sa “Pilipinas Got Talent” bilang co-host ni Melai Cantiveros.

Isa sa mga ginu-groom ngayon ng ABS-CBN bilang host ay si Edward Barber.

Trade off ng pagpasok ni Luis sa pulitika

IPAGPATULOY pa rin kaya ni Luis Manzano ang kanyang hosting job sa mga programa ng ABS-CBN sakaling palarin siyang maupo bilang vice-governor ng Batangas? O matutulad siya sa kanyang inang si Vilma Santos-Recto na na-set aside ang kanyang pagiging actress nang ito’y pumasok sa larangan ng pulitika?

May trade-off ang pagpasok ni Luis sa pulitika. Kapag siya’y nahalal, tiyak na pansamantala niyang tatalikuran ang kanyang showbiz career laluna ang pagiging in-demand bilang host

Matagal-tagal na rin namang napapabalita ang pagpasok sa pulitika ni Luis pero ngayon lamang natuloy.

Ang public service ay hindi na bago kay Luis dahil bukod sa kanyang inang si Vilma Santos-Recto ay pinasok din ito ng kanyang amang si Edu Manzano at isa namang taal na pulitiko ang kanyang stepdad na si Ralph Recto na siya ngayong Finance Secretary ng administrasyong Marcos.

Hindi lamang ang mag-inang Vilma Santos-Recto at Luis Manzano ang tumatakbo ngayon kundi maging ang maternal brother ni Luis na si Ryan Christian Santos Recto na kandidato naman sa pagka-kongresista sa ika-anim na distrito ng Batangas.

Although first time ni Luis sa larangan ng pulitika, nariyan naman ang kanyang inang si Vilma para siya’y alalayan.

Janine tatapusin ang Pilita docu kahit wala na ang lola

PilitaPilita1Pilita2HANGGANG sa kanyang pagpanaw ay hindi man lamang na-nominate bilang National Artist for Music ang music icon at Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales. Sobrang deserving ng nanay nina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher (Gutierrez) na maging National Artist.

Pilita passed on last Saturday, April 12, 2025 habang ito’y natutulog sa edad na 87. Bukod sa kanyang mister na si Carlos Lopez, iniwan ng Queen of Songs ang dalawa niyang mga anak na sina Jackie Lou at Monching at pito niyang apo.

Nalulungkot ang isa sa pitong apo ni Pilita, ang singer, actress-host na Janine Gutierrez dahil hindi pa tapos ang documentary film ng kanyang Mamita (grandmother) na siya mismo ang producer.

Just the same, gusto ni Janine na matapos ito for the young generation to appreciate dahil hindi na nila alam kung sino si Pilita Corrales at kung ano ang naiambag nito sa Philippine music and entertainment.

Sino si Amapola?

ALAM ba ninyo na hindi siya ang original na kumanta ng awiting “Kapantay ay Langit” ni George Canseco na tumatak sa kanya kundi ang singer na si Amapola?

Hindi narmarka kay Amapola ang “Kapantay ay Langit” na ginawa pang theme song ng pelikula of the same title na pinagbidahan ni Marlene Dauden.

Nang mag-guest ang yumaong composer na si George Canseco sa “Your Evening with Pilita,” isang weekly musical TV show noon ng Queen of Songs ay ipinadinig niya kay Pilita ang “Kapantay ay Langit” na agad nitong nagustuhan. Ito ang nagdala sa kanya sa Vicor Music Corporation na pag-aari noon ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly del Rosario Ilacad at kasunod na rito ang kanyang debut album sa Vicor, ang “Philippine Love Songs, Vol. 1” kung saan carrier single ang “Kapantay ay Langit” na naging instant hit. Kasama rin sa album ang unang pinasikat na awitin ni Pilita, ang “A Million Thanks To You”.

Until the time of her death ay nakagawa si Pilita ng 135 albums including her four two-selling albums in Australia kung saan siya unang sumikat.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE