Kris

Kris future ninang ng anak ni VG Mark

March 27, 2025 Vinia Vivar 154 views

Kahit hiwalay na sina Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste ay nananatili pa ring malapit ang una sa anak ng ex-boyfriend na si Ronin Leviste.

Katunayan, binisita ni Ronin kamakailan ang kanyang Tita Kris kasama ang kanyang girlfriend na si Andrea.

Ipinost ng anak ni VG Mark sa Facebook ang mga larawan ng bonding nila ni Kris.

Ayon sa caption ni Ronin, napaka-sweet ni Kris na kahit masama ang pakiramdam ay ito pa mismo ang naghanda ng dinner para sa kanila.

“Sweetness overload si TK (Tita Kris)! Binisita namin ni Andrea si Tita Kris matapos ang aming trabaho sa Batangas. Kahit masama ang pakiramdam niya, siya mismo ang naghanda ng dinner para sa amin at pinaghanda pa kami ng super sarap na lechon galing Tarlac!” sey ni Ronin.

“Extra special tuloy ang aming naging date night dahil kasama namin ni Andrea ang aming future ninang,” aniya pa.

Ayon pa kay Ronin, kahit hiwalay na si Kris at ang dad niya ay nananatiling magkaibigan ang dalawa.

“Hindi man sila nagkatuluyan ni Dad, nanatili naman silang magkaibigan; naghiwalay sila ng walang sama ng loob sa isa’t-isa, at hindi mawawala ang aming pagmamahal kay TK, Bimb, at Kuya Josh.

“Palaging nandiyan si TK para sa amin. Lagi kaming may kwarto sa kanilang tahanan at lagi silang handang tumulong sa lahat ng aming pangangailangan. Minsan natutulog kaming lahat sa isang kwarto laang (last frame),” kwento ng anak ni Mark.

Binanggit pa raw ng kanyang Tita Kris na gusto nitong tumingin ng beachfront properties sa Batangas na pwede nilang tirhan.

“Sabi pa nga ni TK, kapag okay na siya ulit, gusto niyang sumama sa aking pag-ikot sa Lian para makilala niya ang aking mga katrabaho at kababayan, pati na rin para tumingin ng mga beachfront properties na pwede nilang lipatan. Gusto rin maranasan ni TK ang mag-bbq sa balsa sa amin sa Matabungkay!” aniya.

Ibinahagi rin niya na si Kris ang nag-sponsor ng e-library sa isang eskwelahan sa Matabungkay na project ng kanyang kapatid.

“Para sa hindi pa nakakaalam, si Tita Kris, Bimb, at Kuya Josh ang nag-sponsor ng bagong e-library natin sa Matabungkay National High School na naging proyekto ng aking bunsong kapatid na si C2,” ani Ronin.

Sa huli ay nagbigay siya ng mensahe kay Kris at nagpasalamat sa lahat ng kabutihan nito sa kanilang pamilya.

“TK, patuloy kaming nagdadasal para sa iyong mabilis na paggaling! Thank you for everything you’ve done and continue to do for me, my dad, Andrea, and my siblings.

Maraming salamat din po sa lahat ng mga kababayan natin na nagdadasal para kay Tita Kris at palaging nangangamusta sa kanyang pamilya. We’re always so happy to see you happy and beautiful. We are all here for you! Keep fighting po! Love, love, love!” mensahe ni Ronin sa kanyang Tita Kris.

LIZA NAWALAN NG GAMIT SA NAIA

Nanawagan si Ice Seguerra sa mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dahil sa mga nawalang gamit ng asawang si Liza Diño nang dumating ito mula sa US.

Sa kanyang Facebook page isinagawa ng singer ang shoutout.

“Hello NAIA 1! Kakarating lang ng asawa ko from the US via PAL flight. May nawawala pong dalawang items sa loob ng box at maleta niya. Pwede kaya makausap yung security niyo diyan? Para ma check yung mga lost items,” post ni Ice.

Kaagad namang nag-reply ang Philippine Airlines (PAL) na sinakyan ni Liza at sinabing kasalukuyan na nila itong iniimbestigahan.

“Dear Mr. Seguerra. We understand how important your belongings are, and we appreciate you bringing this to our attention. Rest assured, we take such matters seriously, and our team is here to assist in looking into this. We’ve reached out to you via Instagram to gather more details and support you in the investigation. We’ll do our best to help!” reply ng PAL.

As we write ay wala pang update si Ice kung naibalik na ba ang mga gamit na nawala.

AUTHOR PROFILE