Charito

Charito tinubos ang bangkay ni Pepsi — Darryl

January 21, 2025 Vinia Vivar 202 views

Ni-reveal ng direktor na si Darryl Yap na ang yumaong beteranang aktres na si Charito Solis ang tumubos sa bangkay ni Pepsi Paloma.

Sa kanyang Facebook post ay ikinuwento ng direktor ng “The Rapists of Pepsi Paloma” kung gaano ka-close sina Charito at Pepsi. Kalakip nito ang lumang larawan ng veteran actress.

“Kailangan ng bawat isa ng Charito Solis sa kanilang buhay. Lingid sa kaalaman ng mga nagmamarunong — ang pagkakaibigan ni Charito Solis at Pepsi Paloma ay higit pa sa pagtuturingan ng magkapwa-artista,” simula ng direktor.

“Si Charito ang sandalan at hingahan ni Pepsi pagdating sa mga problema at pinagdadaanan sa showbiz. Bagamat maraming nagbibida at nagsasabing nauna sila sa Morgue at kung anu-ano pa…,” patuloy niya.

Nang pumanaw si Pepsi ay nagtungo raw si Charito sa morgue at tinubos daw nito ang bangkay ng sexy actress.

“Kasama ni Charito Solis si Jaclyn Jose na tumungo sa Morgue noon matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Pepsi. sa kabila ng katotohanan na naroon ang mga kaibigan nya at manager…

Si Charito Solis ang tumubos sa bangkay ni Pepsi, Inasikaso niya ito upang maiayos at mapaglamayan. kahit pa nagkasamaan sila ng loob at hindi nag-usap ng ilang taon,” pagbubunyag ni Darryl.

“Kailangan natin ng Charito Solis sa ating buhay; hindi man laging nakakasama, hindi maingay, nagkatampuhan man, hindi ka iiwan hanggang sa dulo,” saad pa ng direktor.

AUTHOR PROFILE