
Pokwang sinorpresa ang anak na si Malia
SINGER, actress-comedienne and TV host Pokwang surprised her youngest daughter Malia on her 7th birthday with a chocolate cake last Saturday, January 18 habang ito’y natutulog.
Bumangon si Malia para hipan ang birthday cake na hawak-hawak ng kanyang mom na si Pokwang.
Malia’s American dad, ang actor na si Lee O’Brian was deported back to the US nung April 8, 2024 dahil sa reklamo ni Pokwang. Ang dalawa ay nagkahiwalay nung November 2021.
Magmula nang magkaroon ng relasyon at magsama sina Pokwang at Lee ay ang una na ang gumagastos sa lahat ng kanilang mga pangangailangan dahil wala namang regular income ang American actor.
Nagsimula lamang ang hidwaan ng dalawa nang tanungin ni Pokwang si Lee tungkol sa kanilang itinayong business, ang Pok-Lee na ang singer-actress-comedienne-TV host din naman ang namuhunan. Minasama umano ni Lee ang pagtatanong sa kanya ni Pokwang tungkol sa takbo ng kanilang negosyo. Ang katwiran naman ni Pokwang, bilang partner at siyang namuhunan, may karapatan umano siyang malaman kung ano ang progress ng kanilang business. Ito umano ang naging mitsa ng pagkakahiwalay ng dalawa.
Kung hindi nagka-miscarriage si Pokwang sa una nilang baby ay dalawa sana ang anak nila ni Lee. The singer-comedienne gave birth to Malia when she was 47.
Bukod sa kanyang bunsong anak na si Malia, may 28-year-old daughter si Pokwang na si Mae (sa isang Japanese national) kung kanino siya may isa nang apo, ang four-year old na si Gabriel.
Xxxxxxxxx
NABAHALA si Rufa Mae Quinto matapos malamang may mga taong nag-take advantage sa kanyang kinakaharap na kaso ng 14 counts of violating Section 8 of the Securities Regulation Code at ginamit ang kanyang pangalan para makapanloko ng mga tao laluna ang mga kaibigan at kakilala ng singer-comedienne na hinihingan nila ng pera. Klinaro niya na hindi umano siya nanghihingi ng pera sa ibang tao para matustusan ang kanyang legal case.
Nananawagan si Rufa Mae na huwag pumatol sa mga scammer.
Samantala, nananatiling matatag ang singer-comedienne sa gitna ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap ngayon including her separation from her husband na si Trevor Magallanes, ama ng kanyang 7-year-old daughter na si Athena na siya niyang pinaghuhugutan ng lakas at inspirasyon.
MIFF 2025 postponed to April: May interesado pa ba?
POSTPONED ang ikalawang taon ng Manila International Film Festival na nakatakda sanang ganapin sa Hollywood, USA ngayong January 28 to February 2, 2025 bilang pakikisimpatiya sa victims ng wildfires sa ilang bahagi ng Los Angeles, California. The event will be moved to April kung saan nakatakdang i-showcase ang sampung pelikulang naging kalahok sa nagtapos na 50th Metro Manila Film Festival.
Dahil sa pagkakaurong ng petsa ng MIFF, hindi sigurado kung magiging interesado pa ang mga producers, stars and directors na lumahok sa nasabing international film festival laluna ang mga pelikulang hindi gaanong kumita sa takilya.
Daniel gustong makipagbalikan kay Kathryn?
MASAYANG-masaya ang bumubuo ng cast at ang mga taong nasa likod ng action-packed series na “Incognito” na tinatampukan nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Ian Veneracion kasama sina Baron Geisler, Maris Racal, Kaila Estrada at Anthony Jennings dahil agad itong pumalo sa No. 1 nang ito’y ipalabas sa Netflix. Pinamahalaan ni Lester Pimentel Ong under Star Creatives ng ABS-CBN, ang serye ay unang TV series ni Daniel without his former girlfriend at dating ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.
Speaking of Daniel, gaano kaya katotoo ang balita na gustong-gusto umano nitong makipagbalikan sa kanyang dating kasintahan na si Kathryn na mukhang nakapag-move on na at may bagong inspirasyon ngayon?
It was in November 2023 nang opisyal na magkahiwalay sina Daniel at Kathryn ending their eleven years bilang magkasintahan.
Ang TV series na “Incognito” ay first project ni Daniel without Kathryn habang si Kathryn ay nakagawa na ng dalawang pelikula na parehong pumalo sa takilya, ang “A Very Good Girl” with Dolly de Leon at ang record-breaking Filipino film na “Hello, Love, Again” na balik-tambalan nila ni Alden Richards na muling pinamahalaan ng record-breaking director na si Cathy Garcia-Sampana.
Sa kabila ng paghihiwalay nina Daniel at Kathryn, patuloy pa ring umaasa ang KathNiel fans na magkabalikan ang dalawa o muling magtambal in the future.
EA at Shaira matagal nang engaged ngayon lang pakakasal
ENGAGED na pala ang kapwa Sparkle artists na sina Edgar Allan `EA’ Guzman at Shaira Diaz nung December 2021 pa, at malamang na matuloy na this year ang planned wedding ng dalawa.
This year ay 12 years nang magka-relasyon sina EA at Shaira who both practice celibacy until they get married.
It was in 2013 when the engaged couple starting dating. Kahit tatlong taon na silang engaged, hindi sila nagmadali sa pagpapakasal dahil meron pa umano silang mga gustong gawin bago bumuo ng sarili nilang pamilya.
In the course of their relationship ay tinapos ni Shaira ang pag-aaral sa kolehiyo. Nagtapos siya ng Marketing Management sa University of Perpetual Help System DALTA in Las Pinas City.
Bukod sa acting career, isa rin siya sa mga segment host ng long-running daily morning show ng GMA, ang “Unang Hirit”.
Si Shaira ay produkto ng isang talent reality show, ang “Artista Academy” ng TV5 where she was one of the finalists. Nakagawa siya ng ilang programa sa Kapatid network bago siya lumipat ng GMA in 2018 where she had the chance na makapareha sina Ruru Madrid at David Licauco. Ang tambalan nila ni David ay nagsimula sa series na “Because I Love You”. Ang dalawa ay nagtambal din sa pelikulang “Without You” under OctoArts Films.
It was in 2023 nang siya’y maging bahagi ng daily morning show na “Unang Hirit”.
Si EA Guzman naman ay produkto ng “Mr. Pogi” segment ng noontime show na “Eat Bulaga.” Sina EA at Shaira ay parehong brand ambassadors ng Beautederm ni Rei Anicoche-Tan.
Sanya umaasang magkakaroon din ng lovelife
HINDI marami ang nakakaalam na ang Sparkle star na si Sanya Lopez (28) ay nakababatang kapatid ng Kapuso actor ni Jak Roberto na naging nobyo ni Barbie Forteza sa loob ng pitong taon.
Hindi ikinakaila ni Sanya na isa siya sa nagulat at nalungkot sa paghihiwalay ng kanyang kapatid na si Jat at Barbie pero nirerespeto niya ang naging desisyon ng dalawa na wakasan na ang kanilang relasyon.
Samantala, although may mga nagpaparamdam na gustong manligaw kay Sanya, wala pa itong karanasan na magkaroon ng boyfriend hanggang ngayon. Pero naniniwala siya na meron umanong guy na nakalaan para sa kanya at ito ang hinihintay niyang dumating sa kanyang buhay.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.