
Body bang
MAPAPA-“BODY bang, bang, bang!” sa aktres na si Ashley Ortega dahil sa wow factor ng kanyang katawan.
Napanganga ang lahat ng netizens nang makita nila ang isang post ni Ashley sa kanyang Instagram page para sa naging bakasyon nito sa Cebu.
“Cebu with love,” sey niya sa caption ng post.
Sa isang larawan, bakat na bakat ang kanyang kaseksihan sa suot na two-piece bikini habang nasa dagat, todo ngiti sa may batuhan.
Bumulaga ang nag-aapoy na abs ni Ashley. Tiyak na tatagaktak ang pawis ng sangkalalakihan kapag nasilayan ang perpektong hubog niya.
Glowing na glowing din si Ashley. Ang makinis nitong balat ay angat na angat sa larawan.
Naglagablab ang comment section ng aktres mula sa fire at heart emojis ng kanyang mga followers. Maging ang ilang kapwa niya personalities ay hindi nakapagpigil at napa-react din sa hotness overload niyang larawan.
“So good figure,” at “Flawless angel” ang ilang naging komento ng IG users kay Ashley.