
Early summer
MASYADO nga raw pinaaga ang summer ni Miss Earth Philippines 2020 at Kapuso actress na si Roxie Smith.
Sey ng netizens, grabehan kung magpasabog ng kagandahan at kaseksihan ang beauty queen-actress sa isang Instagram post nito.
Pinatunayan ngang muli ni Roxie na isa siyang “ultimate beach babe” mula sa mga bikini photos na ibinahagi nito.
“[You] know where to find me,” saad niya sa caption ng post.
Mala-anghel man ang kariktan ng bebot, halimaw naman ang ibinubuga nitong hotness sa suot niyang two-piece bikini habang nasa dalampasigan ng dagat.
Talagang walang aayaw sa perpektong kurba ng beauty queen-actress. Bumulaga man sa social media ang kanyang toned body, mapapalingon din ang sino mang barako sa pa-cleavage niya sa larawan.
Swabeng-swabe at banayad ang patakam ni Roxie. Maging ang kanyang facial expression na papikit-pikit ay tila ikaaangat ng libido ng mga kelot.
Pinusuan ng netizens at binaha nila ng reaksyon ang nasabing mga larawan ng Kapuso actress.