
Tukso sa Cebu
NAGNINGNING ang social media feeds matapos mag-post ang online star na si Myrtle Sarrosa ng kanyang hot na larawan mula sa kanyang Cebu getaway teaser.
Suot ang isang makinis at mapang-akit na puting swimwear, litaw na litaw ang kanyang flawless na kutis habang naka-backdrop ang pool at tropical vibes—tila isang dyosang bumaba mula sa langit para magpahinga sa paraiso.
“Cebu, magkita-ta,” simpleng caption ni Myrtle, pero tila sapat na ito para magpa-init ng comment section. Ang kanyang natural na sexy charm at confident aura ang nagdala sa post, dahilan para agad itong mag-viral.
“Hot incredible” ani ng isang fan. May ilan namang napa-wow at nagsabing “Napaka sexy mo po!”