HART attack
KINABALIWAN ng netizens ang swabeng patakam ng Vivamax actress na si Angelica Hart.
Banayad ang datingan ng karisma ng sexy star sa kanyang Instagram page. Nagbahagi ng ilang larawan si Angelica kung saan pinagkaguluhan ng madla ang kanyang pag-awra.
Kaakibat na nga ng kanyang pangalan ang pagiging angel, dahil kahit na sa gabi kabogera ang kanyang beauty.
Makikita si Angelica na nakalaylay ang puting dress, masisipat ang makinis niyang balikat. Tila may dalang pang-aakit ang postura ng bebot na talaga namang napukaw ang atensyon ng mga kalahi ni Adan.
Wala ngang bahid na anong kadiliman ang ibinalandra niyang makatas na sex appeal. Nag-ala kutis gatas ang balat nitong tiyak na bet na bet ng mga barakong ialmusal sa umaga at laklakin sa gabi bago matulog.
Nanlalaban din ang “face card” ni Angelica. Dyosa ang atake ng kanyang beauty, talagang kering mamingwit ng atensyon ng mga kalalakihang bumibisita sa kanyang social media pages.
Umagos naman ang reaksyon mula sa netizens sa pagbabanderang ito ng alindog ni Angelica. Binaha ng fire emojis at pinusuan nila ang kanyang post.
Nakilala si Angelica sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Sip (2023), Bisyo! (2023) at Secret Campus (2023).