Barbie aprubado ni Annabelle para kay Richard

November 3, 2024 Aster Amoyo 170 views

RuffaRuffa1MAY isang taon na ring hiwalay ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. It was in October 2023 nang magsimulang kumalat ang balita na hiwalay na ang dalawa but it was in early December of same year nang aminin ng ina ni Richard na si Annabelle Rama na sa kanila na umuuwi ang actor niyang anak, isang indikasyon na hiwalay na nga and dalawa. The uncouple were not also together nung nakaraang Christmas at New Year. But it was only in early March this year nang kumpirmahin ni Sarah na hiwalay na sila ni Richard, ang ama ng dalawa nilang anak na sina Zion (11) at Kai (7) sa isang ambush interview sa kanya.

Lumipat na sa ibang bahay si Sarah kasama ang dalawa nilang anak ni Richard but she is in co-parenting status with her ex-husband pagdating sa mga bata.

It was sometime in January this year nang unang maispatang magkasama sina Richard ang Kapamilya young actress na si Barbie Imperial sa isang gastropub in Westgate, Ayala, Alabang in Muntinlupa City. Since then ay makailang beses na ring nakitang magkasama ang dalawa.

Nakita rin si Richard at ina nitong si Annabelle Rama sa birthday celebration ni Barbie last August, isang senyales na may espesyal nang namamagitan between Richard and Barbie.

Magkasama rin sina Richard at Barbie sa Italy kung saan may taping si Richard at Daniel Padilla sa bago nilang serye, ang “Incognito” for ABS-CBN. At sa recent birthday celebration ng ina ni Richard na si Annabelle Rama last Friday, October 31 ay naroon din si Barbie, isang patunay na may relasyon na ang dalawa. Naroon din sa nasabing okasyon ang nobyo ni Ruffa Gutierrez, ang actor-comedian at dating alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Kilala si Annabelle sa pagiging vocal kapag may hindi siya gusto para sa kanyang mga anak. In the case of Herbert at Barbie, mukhang aprub ang misis ni Eddie Gutierrez sa mga bagong karelasyon nina Ruffa at Richard.

Tatlong sexy stars na magkakapatid may ibang pangarap

PicPic1FIRST time na may tatlong magkakapatid na magkakasunod na pumasok ng showbiz as sexy stars – sina Angela Morena, Stephanie Raz at Micaela Raz, mga pamangkin ng dating sexy star na si Lara Morena.

Sina Angela, Stephanie at Micaela ay pawang mga sexy stars ng VMX (originally Vivamax) at nakagawa na rin ng maraming sexy movies na sila mismo ang mga pangunahing bituin.

Ayon sa magkakapatid, gusto rin umano nilang kumawala sa kanilang sexy image at makilala balang araw bilang mahuhusay na aktres at makatawid sa paggawa ng mainstream projects sa pelikula maging sa telebisyon.

Sa tatlong magkakapatid, pareho nang nakapagtapos sa kolehiyo sina Angela at Stephanie at gusto rin ni Micaela na tapusin ang kanyang pag-aaral.

“Alam naman namin na walang kasiguraduhan ang showbiz,” pahayag ni Angela na panganay sa tatlong magkakapatid.

Sa tatlo, pangarap ni Stephanie na maging flight stewardess balang araw.

Pancho at Max maganda ang set-up bilang separated parents

KAHIT matagal nang hiwalay ang dating mag-asawang Pancho Magno at Max Collins, magkasundo naman ang dalawa pagdating sa kanilang co-parenting set-up para sa kanilang kaisa-isang anak, ang four-year-old na si Sky Anakin. Gusto kasi nila ipinakita at ipadama sa bata na kahit hiwalay ang kanyang parents ay nariyan pa rin sila for him.

Nanatili ring magkaibigan sina Pancho at Max kaya madali silang magkasundo pagdating sa anak nilang si Sky.

Si Pancho ay anak ng dating TV executive ng GMA na si Redgie Magno.

Jolina excited sa balik tambalan nila ni Marvin

marvinTIYAK na matutuwa ang fans nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin dahil pagkatapos ng mahigit dalawang dekada ay muli nilang mapapanood ang kanilang mga idolo sa big screen.

Tuloy na tuloy na ang reunion movie project ng MarJo (Marvin at Jolina) sa pamamagitan ng “Ex Ex Lovers” na pamamahalaan ni JP Habac and jointly produced ng Project 8 Projects at Cornerstone Studios.

Ang Project 8 Projects ay pag-aari ng longtime partners na sina Direk Dan Villegas at ang writer-director na si Antoinette Jadaone.

Noon pa umanong 2018 binabalak ang balik-tambalan sa pelikula nina Jolina at Marvin pero ngayon lamang ito matutuloy dahil na rin sa maraming kadahilanan at kasama na rito ang pandemic.

Ang tambalan nina Jolina at Marvin ay isa sa pinaka-successful tandem nung late `90s. Ang dalawa ay nagbida sa ilang box office hits movies tulad ng “Flames: The Movie,” “Labs Kita…Okey Lang,” “Kung Ayaw Mo, Huwag Mo,” “Gimik: The Movie” at iba pa.

Tulad ng ibang popular loveteams in the past, nabuwag ang tambalan ng dalawa ng magkani-kanya na sila ng solo career, ang pag-aasawa ni Jolina at pagkakaroon naman ng twin-sons ni Marvin hanggang sa pagiging successful restaurateur nito.

Parehong masaya sina Jolina at Marvin sa kanilang reunion movie dahil alam nilang maraming fans ng MarJo ang matutuwa.

Samantala, makakasama nina Jolina at Marvin sa kanilang “Ex Ex Lovers” movie sina JK Labajo, Loisa Andalio at iba pa.

Jolina is happily married to musician at isa sa founding member ng kilalang Pinoy rock band, ang Rivermaya na si Mark Escueta at meron silang dalawang anak na sina Pele Inigo (10) at Viva Anaya (6).

Si Marvin naman ay may 19-year-old twin sons na sina Sebastian at Santiago sa kanyang non-showbiz ex- girlfriend na si Tetet Dy (from a prominent political family sa Norte). The twins celebrated their 19th birthday with their father last August 15.

Fyang malayo pa ang tatahakin

FyangFyang1MARATING kaya ng Pinoy Big Brother: Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith ang path na narating ng isa ring ex-PPB Big Winner na si Kim Chiu gayundin sina Maymay Entrata, Melai Cantiveros at iba pa?

Malayo na pare-pareho ang narating nina Kim, Melai at Maymay pagdating sa kanilang respective careers habang hindi na aktibo sa showbiz ang ibang PBB Big Winners tulad nina Nene Tamayo, Slater Young, among others.

Mukhang malayo pa ang journey na tatahakin ng Fil-Am na si Fyang as far as her showbiz career is concerned dahil ngayon pa lamang siya magsisimula.

Ang iba pang PBB Big Winner na malayo na rin ang narating ay sina James Reid at Ejay Falcon habang nag-focus naman sa kanyang business in Cebu si Slater Young na may sarili nang pamilya.

Habang ang 10th winner ng PBB na si Anji Salvacion ay aktibo pa rin sa kanyang showbiz career. Pinasok na rin ni Ejay Falcon ang larangan ng pulitika.

Matapos tanghaling PBB Big Winner at nasa pangangalaga na rin ng Star Magic si Fyang, tiyak na magbabago na rin ang takbo ng buhay nito.

Ang iba pang ex-PPB housemates na maganda ang takbo ng career ngayon include Gerald Anderson, Robi Domingo, Joshua Garcia, Seth Fedelin, KD Estrada among others.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon for “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram ang Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE