Francine

Francine walang pakialam ang fans kahit supporting role lamang sa ‘Silay’

November 1, 2024 Eugene E. Asis 174 views

SilayNAKATUTUWA ang fans ni Francine Diaz dahil kahit lumalabas na supporting role lamang ang ginagampanan ng Kapamilya actress sa pelikulang ‘Silay’, suportado siya ng mga ito. In full force sila sa premiere night ng naturang pelikula sa Trinoma Cinema 7 noong isang linggo.

Bida sa inspirational film na ito ang mahusay na aktres na si Malou de Guzman bilang Nana Silay, lola ng karakter na ginagampanan ni Francine.

Ayon kay Francine, hindi niya naramdaman na supporting role lamang ang kanyang ginagampanan dahil lubhang makahulugan ang mensaheng gustong iparating ng pelikulang ito.

Kaya nga malaki ang pasasalamat niya sa baguhang producer ng pelikula na si Rachelle Umandap ng Mace Ascending Entertainment Productions, gayundin sa direktor nito na si Greg Colasito para sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

Puring-puri naman siya ng bidang si Malou de Guzman. “Masaya, iba rin kasi ang energy na ibinibigay ng bata… she’s in the zone. Balanse, ‘yung natural, ‘yung unawa dun sa script, sa teksto, at ‘yung sensibility… Receptive naman siya at bumabato (ng tamang linya).”

Sa kabilang banda, si Francine pa ang kinabahan nang una niyang makasama niya si Malou sa eksena.. “Ako po honestly, kinabahan po ako nung unang nakita ko si Tita Malou…given na mas matagal po kayo sa akin sa industriyang ito, iba po ang pressure na makasama kayo sa isang eksena,” sabi niya habang nakatingin sa katabi niyang veteran actress..

Pero habang tumatagal, naramdaman na ni Francince na tunay na niyang lola (o Nana) Silay si Malou. Naging mas natural na ang koneksyon nila sa isa’t isa. “It’s an honor po for me para ma-share ang big screen with Tita Malou,” sabi ni Francine.

Sa ngayon, ang pelikulang ‘Silay’ ay iikot sa mga paaralan, bilang ang mensahe nito ay ang kahalagahan ng edukasyon sa isang tao. Pero dahil kasama sa pangunahing artista rito ay si Francine (na suportado rin nina Emilio Garcia, Yul Servo, Ramon Christopher, Long Mejia, Rolando Inocencio, Joni Mcnab at iba pa), may malaking potensyal ang ‘Silay’ para sa malawakang pagtatanghal sa mga komersyal na sinehan.

AUTHOR PROFILE