
Dimalanta balik puwesto
IBINALIK na ng Malakanyang si Energy Regulatory Commission Chairperson Monalisa Dimalanta matapos bawiin ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang suspension order laban sa kanya.
Base sa memorandum order ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre 30, inaabisuhan nito si Jesse Hermogenes Andres, acting ERC chairman, na babalik na sa puwesto si Dimalanta.
Noong Agosto 20, 2024 pinatawan ng Ombudsman si Dimalanta ng anim na buwang suspensyon matapos ireklamo ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc (NASECORE).
Grave Misconduct, Grave Abuse of Authority, Gross Neglect of Duty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service ang ikinaso laban kay Dimalanta.
Partikular na inireklamo ng Nasecore ang pagpayag ni Dimalanta na na regular na bumili ang Manila Electric Company ng electricity sa Wholesale Electricity Spot Market sa mas mataas na halaga. Ipinapasa naman ng Meralco sa consumers ang charges nang walang pahintulot mula sa ERC.
Ayon sa Nasecore, paglabag ito sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).