Gobyerno full control sa mga nasalanta ng bagyong Leon
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nasa full control ang pamahalaan sa pagtugon sa bagyong Leon dahil sapat ang assets ng pamahalaan para tugunan ang mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.
“I assure the Filipino people that the government is ably handling all disaster management efforts.
We remain in full control. Our resources and personnel may be stretched due to the impact of typhoons on multiple fronts,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“Nevertheless, we have sufficient assets to mitigate the worst impact, recover from the wreckage and rebuild stronger than before,” dagdag ng Pangulo.
Binabayo ng bagyong Leon ang Batanes ngayon at isinailalim na ito sa Signal no. 4.
“Relief and recovery efforts continue in areas affected by Typhoon Kristine, while preparations are ramping up for Typhoon Leon.
All agencies and instrumentalities of the government remain on full alert, and remain ready to deploy aid wherever it may be needed,” dagdag ni Pangulong Marcos.