Wayne

John Wayne nakapanghihinayang

October 30, 2024 Aster Amoyo 287 views

Wayne1NAKAKULONG ngayon ang 35-year-old actor-dancer na si John Wayne Sace sa Pasig Police Headquarters matapos itong masangkot sa pamamaril sa kanyang kaibigan in Pasig City nung gabi ng Lunes, October 28, 2024 na agad nitong ikinamatay.

Apat na bala mula sa kalibre .45 ang na-recover sa shooting incident.

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakasangkot ng actor sa pamamaril. Nangyari na rin ito nung 2016 kung saan napatay ang kanyang kaibigan na si Eric Sabino. Ang dalawa ay pareho umanong na-involve sa ipinagbabawal na droga at nasa watch list ng mga police.

Si Wayne ay nanalong Best Child Perfomer nung 2002 sa Metro Manila Film Festival dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “Dekada `70” na pinagbidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon. Naging miyembro din siya ng all-boys dance group ng “ASAP” na may pangalang AnimE na kinabibilangan din noon nina Mhyco Aquino, Emman Abeleda, Sergio Garcia at ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz.

Si John Wayne ay bahagi ng malapit nang magtapos na primetime TV series na “Pamilya Sagrado” at naging bahagi rin siya nung 2021-2022 sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Naging bahagi rin si John Wayne sa ilang serye ng ABS-CBN tulad ng “May Bukas Pa,” “Habang May Buhay,” “Guns and Roses,” “Lorenzo’s Time,” “Forevermore” at iba pa.

Meron siyang tatlong anak sa kanyang non-showbiz wife. Minsan na rin silang nagkahiwalay ng kanyang misis pero sila’y nagkabalikang muli.

Marami ang nanghihinayang kay John Wayne dahil sa pagkaligaw nito ng landas.

William muling binigyan ng pagkakataon ni Coco

WilliamWilliam1MARAMING taon ding walang TV or movie assignment ang dating matinee idol na si William Martinez pero marami ang natuwa nang bigyan ito ng panibagong pagkakataon ni Coco Martin at isama sa kanyang tumatakbong hit action-drama primetime TV series na “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan din muling napapanood ang character ng actor na si Ricardo Cepeda na nakabalik sa serye matapos itong makulong ng mahigit isang taon. Bagong character din ang ginagampanan ng actor-comedian at politician na si Anjo Yllana sa nasabing serye.

Kilala si Coco sa pagtulong sa mga artistang matagal nangwalang trabaho na kanyang sinimulan sa kanyang naunang 7-year-old action drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na kanyang ipinagpapatuloy sa “FPJ’s Batang Quiapo.” Kasama rin sa serye si Dagul at ang kanyang anak na babae na si JKriez.

Samantala, nakahanap na rin si William ng bagong mamahalin sa katauhan ng non-showbiz girl na nagngangalang Lowie.

Matagal nang hiwalay si William sa kanyang actress-wife na si Yayo Aguila kung kanino siya may apat na anak.

Anne handang-handa na sa pagbabalik sa TV series

JoshuaIN full blast na rin ang taping ng Philippine adaptation ng 2020 hit K-drama series na “It’s Okay To Not Be Okay” na pinagbibidahan nina Anne Curtis, Carlo Aquino at Joshua Garcia na kung saan kasama rin sa cast sina Enchong Dee, Xyriel Manabat, Kaori Oinuma, Francis Magundayao, Agot Isidro, Maricel Laxa, Ana Abad Santos, Rio Locsin, Edgar Mortiz, Michael de Mesa, Bodjie Pascua, Empress Schuck at Geoff Eigenmann kung saan naman naman may guest appearance sina Albie Casino at Imogen Cantong. Ito’y pinamamahalaan ni Mae Cruz-Alviar.

Napabalitang sina Liza Soberano at Enrique Gil umano ang unang kinunsider sa lead cast pero ito’y tinanggihan umano ng dalawa. Natutuwa naman sina Anne Curtis, Carlo Aquino at Joshua Garcia na sila ang nasa final cast.

Matagal-tagal ding hindi gumawa si Anne ng TV series kaya ito ang magsisilbi niyang comeback. Puring-puri naman ng “It’s Showtime” host sina Carlo at Joshua kung gaano kahusay umarte ang dalawa. Masarap at magaan din umanong katrabaho ang dalawa at ang bumubuo ng cast.

Vilma wala nang magagawa sa opinyon ng iba

VilmaANG mga tao mismo ng Batangas ang nakiusap sa Star for All Seasons at seasoned politician na si Vilma Santos-Recto na muli itong tumakbo sa pagka-gobernador na kanyang noong pinaglingkuran ng tatlong termino o siyam na taon. Pero marami ang nagulat nang sabay nitong mag-file ng certificate of candidacy ang dalawang niyang anak na sina Luis Manzano (sa kanyang ex-husband na si Edu Manzano) at Ryan Christian (sa kanyang present husband na si Finance Secretary Ralph Recto).

Si Luis ang running mate ni Vi sa pagka-vice governor ng Batangas habang si Ryan Christian naman bilang kinatawan ng ika-anim na distrito ng Batangas.

Ang katwiran ni Vi, gusto niyang magkaroon ng new blood ang kanyang muling pagtakbo sa pagka-gobernador ng Batangas. Gusto rin ni Vi na ma-prepare at mahasa ang dalawa niyang anak sa larangan ng serbisyo publiko dahil iiwanan din niya balang araw ang larangang ito.

Ang mister ni Vi na si Sec. Ralph Recto ay isa ring seasoned politician na nanilbihan ding senador at kongresista ng ilang termino.

Ang mga botante ang huhusga kung karapat-dapat bang maluklok sa puwesto ang mag-iinang Vilma, Luis at Ryan.

Nirerespeto ni Vi ang opinion ng iba na hindi umano siya at ang pamilya naiiba sa pamilya ng political dynasty.

Samantala, natutuwa si Vi na meron na naman siyang entry sa darating na 50th Metro Manila Film Festival, ang “Uninvited” na na pinagsasamahan nila nina Aga Muhlach at Nadine Lustre at pinamahalaan ni Dan Villegas under Mentorque Productions na siyang nag-produce ng 2023 MMFF movie ni Piolo Pascual, ang “Mallari”.

Tiyak namang magiging maingay ang darating na MMFF dahil kasama sa sampung official entries ang pagbabalik nina Vice Ganda at Vic Sotto sa MMFF this year.

ABS-CBN at GMA nakatutuwa ang magandang relasyon ngayon

AldenNAKATUTUWA lang tingnan ngayon na ang dating rival giant TV networks na ABS-CBN at GMA ay nagkakatulungan ngayon.

ABS-CBN ang producer ng top-rating ang long-running noontime show na “It’s Showtime” na napapanood ngayon sa GMA. Ang mga stars and talents ng GMA ay malaya na ring nakakapag-guest sa nasabing noontime programa gayundin ang ibang Kapamilya Studios sa ibang programa ng Kapuso network. Years ago ay napaka-imposible itong mangyari.

Ang Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Network ang co-producers ng much-awaited reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang “Hello, Love, Again” na palabas sa mga sinehan sa Pilipinas on November 13 kasunod ang screening nito sa iba’t ibang bansa including USA and Canada. Parehong all-out ang promo ng movie nina Kathryn at Alden sa ABS-CBN at GMA, isang patunay ng magandang relasyon ngayon ng dating magkalabang istasyon. Nagsanib-puwersa rin ang ABS-CBN at GMA sa first TV series which they both co-produced along with Viu streaming app, ang “Unbreak My Heart” kung saan tampok sina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap, Gabbi Garcia at iba pa.

Nakapag-guest na rin si Kathryn sa “Fast Talk with Boy Abunda” on GMA maging ang ibang mga Kapamilya stars and talents.

Ang ABS-CBN ay nawalan ng prangkisa nung May 5, 2020 nang pagkaisahan sila ng mga congressmen na sumuporta noon sa dating administrasyon.

Dahil sa pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN, nagkaroon sila ng pagkakataon na makipag-alyansa sa iba’t ibang TV networks tulad ng GMA, TV5, ALLTV maging ang A2Z habang alagwa naman sila pagdating sa kanilang digital platforms.

Although ibang-iba na ang landscape ngayon ng telebisyon, hindi maikakaila na mahalaga pa rin ang free broadcast laluna sa mga remote areas na hindi pa rin inaabot ng internet at wi-fi.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE