Ashley

Ashley inamin na walang alam sa kasaysayan, napaiyak

October 30, 2024 Eugene E. Asis 72 views

Ashley1INAMIN ni Ashley Ortega na hindi siya masyadong aware sa Philippine history na may kinalaman sa World War II. Kaya nang malaman niyang gaganap siya bilang isang madre na magiging isang comfort woman sa TV series na “Pulang Araw” na napapanood ngayon sa GMA7 at Netflix, nagulat siyang may ganun palang pangyayari sa kasaysayan ng bansa.“Siyempre, ang pagganap bilang isang comfort woman ay talagang mabigat. And when I found out na iyon yung role na gagawin ko, nu’ng una ay kinabahan talaga ako.”

Bago rito, kasama sa research nila ay ang pagi-interview sa mga lola na naging comfort women. “Nang na-meet ko yung mga lolas, talagang I was heartbroken.”

Sa naganap na presscon sa 70-year-old Kamuning Bakery and Cafe ni Wilson Lee Flores kasama ang ilang kababaihang nakikipaglaban para sa reparation ng mga natitira pang buhay na comfort women, napaiyak ang kasama ni Ashley na si Sanya Lopez habang ikinukuwento ang pakikipag-usap nila sa mga naturang lola.

“Tama po yung sinabi ni Ate Sanya (Lopez), lahat kami nag-iiyakan sa room na yun. May mga kasama kaming press, kasama namin ibang creatives, pati sila naiiyak, hindi lang kaming artistang gaganap ng role nila,” pahayag ni Ashley.

“So now, yung Pulang Araw na ipinapakita ang istorya ng comfort women, and nakikita ko yung mga comments, mga feedbacks, mga reviews ng mga netizens natin, and they’re aware of what’s going on now.

“Ngayon lang nila nalalaman na may ganito palang nangyayari during World War II. Iyon yung gusto naming iparating, kasi nga bilang isa din ako sa mga taong hindi pa completely aware sa pinagdaanan nila,” kuwento pa ng dalaga.

Patuloy pa niya, “So now, I am happy na yung mga students siguro nalalaman nila kung ano yung mga nangyayari.”

Nadadala rin ang mga manonood sa pagganap ni Ashley bilang isang comfort woman sa naturang Kapuso hit historical-drama series.

Maraming intense scenes si Ashley as Sister Manuela Apolonia tulad nang pinahirapan at ginahasa siya ng mga sundalong hapon noong panahon ng World War II.

“I think it’s about time na isalaysay namin yung istorya ng mga comfort women para hindi maulit at para mabigyan ng hustisya yung mga comfort women natin, tulad ng mga ipinaglalaban ng mga nandito.

“Ang iba ay hindi pa nakatanggap ng hustisya. Iyun po siguro ang pinakamasakit na puwedeng maramdaman nila.”

“Hindi lang pala to eksena, what more yung talagang totoong comfort women na talagang pinagdaanan nila iyun. Masakit talaga sa puso.

“So now I’m really happy na nagiging voice ang Pulang Araw. Nagiging aware ang mga kabataan natin ngayon sa mga nangyari, hindi lang tungkol sa comfort women story, pero yung mga nangyari talaga nung giyera.

“Napakaraming mga Pilipinong nagsakripisyo, lumaban para sa freedom na ini-enjoy natin ngayon,” ang tuluy-tuloy na pahayag ni Ashley.

Kasama rin nina Sanya at Ashley sa nasabing serye sina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Dennis Trillo at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE