Jonica Larawan mula sa IG/Jonica Lazo

Boogsh!

September 6, 2024 People's Tonight 700 views

NAPA-“BOOGSH!” na lang ang netizens sa pagbabandera ng Vivamax actress na si Jonica Lazo ng pasabog niyang wangkata.

Lately nga ay sunud-sunod ang paglalabas ng sexy star ng mga one to sawang patakam para sa kanyang followers sa Instagram.

Para sa bago niyang larawan, kahit hindi na humarap si Jonica, solve na solve na ang mga barako sa view na matatanaw nila sa kanyang likod.

Bumulaga ang bilugan at juicy na wetpaks ni Jonica na halos guhit na lang ang tumatakip. Halatang sagana sa pampagana ang kanyang karisma, kaya nga ang mga kelot ay palaging napapa-“vitamin J” dahil sa kanya.

Hindi man birthday ng kanyang male fans, bet na bet naman nilang tikman ang inihaing cake ng Vivamax actress.

Hirit nga ng isang nag-comment, “let me taste that cake!”

Naloka nga sa kanyang kakinisan ang sangkalalakihan. Kahit pa gumamit ng magnifying glass ay tila walang masisipat na bakas ng kadiliman sa katawan ng bombshell.

Nakaramdam nga ng sarap ang mga nasa opposite sex sa kanyang comment section. Niratrat nila ng mga makamundong salita ang sexy photo ni Jonica.

Ngayong taon nga lang ay naitampok na si Jonica sa ilang Vivamax original films kabilang na ang Balinsasayaw, Sweet Release, at TL.

AUTHOR PROFILE