MSMEs

GCash nagbigay ng lending solutions para sa sustainable growth ng MSMEs, magsasaka at mangingisda

August 5, 2024 People's Tonight 241 views

BINIGYANG-DIIN ng nangungunang finance application na GCash na importante ang pagbibigay ng pantay na akses sa sustainable lending at credit sa mga Pilipinong MSMEs owners at mga magsasaka upang matulungan ang bansa na maabot ang mas sustainable at inklusibong economic growth.

Ito ay matapos maging bahagi ang usapin sa 2nd Philippine Climate Forum na isinagawa ng International Finance Corporation (IFC) sa Ayala Mall, Makati City noong Hunyo.

Layunin ng forum na isulong ang green lending at climate investment opportunities sa bansa upang makapagmulat ng mga tao patungkol sa sustainability initiatives ng public at private sectors.

Sa panel discussion na “Promoting Green and Inclusive Growth in the Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) Sector in the Philippines,” inihayag ni Fuse Lending President at CEO Tony Isidro ang financial inclusion story ng GCash.

Ayon kay Isidro, gamit nila ang digital, data modeling, at AI technology upang mag-facilitate ng akses sa makatwirang credit at makapagbigay ng sustainable growth.

“More importantly, what that means is that it translates into a totally frictionless experience where eligible merchants can avail of a loan with zero documents, no waiting time. All they have to do is log in to the app, tap its services, and get access to credit and loans,” dagdag pa ni Isidro.

Una nang sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas na starting capital ang pinakamalaking sagabal sa mga MSMEs kaya 57% ng maliliit na negosyo ay nakaasa pa rin sa informal loans.

Sa pamamagitan ng Know-Your-Customer (KYC) at lending trust rating systems, maaari nang makapagbigay ang GCash nang mabilis at aksesableng loans para sa mga nangangarap na magkaroon ng negosyo.

Maaari silang manghiram ng pera hanggang Php 125,000, depende sa kanilang GScore, na ide-deposito kaagad sa kanilang mga GCash wallet dahilan upang mabawasan ang tambak tambak na papel bilang proseso.

Bukod sa MSMEs, tinutulungan din ng GCash ang mga lokal na magsasaka at mga mangingisda bilang bahagi ng kanilang pakikipagtulungan sa Mayani at Farm Konekt. Ang mga magsasaka at mga mangingisda ay mas nabibigyan ng akses sa mga non-collateralized loans. Nagsasagawa rin umano ang kompanya ng mga financial literacy sessions upang maturuan pa ang mga local farming at fishing communities tungkol sa climate investment opportunities.

AUTHOR PROFILE