Surigao

726 aftershocks naitala sa Surigao del Sur

August 4, 2024 Melnie Ragasa-limena 123 views

NAKAPAGTALA ng 700 aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng magnitude-6.8 na lindol sa Surigao Del Sur noong Linggo.

Ayon sa Phivolcs, patuloy na nadadagdagan ang aftershocks kasunod ng lindol sa Lingig, Surigao Del Sur.

Umabot na sa 726 aftershocks ang kanilang namo-monitor na may lakas na mula 1.6 hanggang 6.2 magnitude sa lalim mula 1 kilometro hanggang 52 kilometro.

Sinabi ng Phivolcs na inaasahan na makakaranas pa ng mga aftershocks ang mga kalapit na lalawigan mula sa episentro ng lindol.

Inaalam pa ng Phivolcs ang kabuang pinasala sa nangyaring lindol.