
890 relief goods ibinigay sa 1,070 pamilya sa Bataan
MARIVELES, Bataan–Namimigay ng relief goods ang provincial government ng Bataan sa mga apektado ng nagdaang bagyo na nasa mga evacuations centers.
Sinabi ni Gov. Joet Garcia na may 1,079 pamilya ang nanatili sa mga evacuation centers sa Bataan at 890 relief goods naman ang naipamigay.
“Patuloy po ang ating pagmomonitor at pagtitiyak sa kaligtasan ng ating mga kakabayan lalo na ang mga nasalanta ng nagdaang bagyong Carina,” ani Garcia.
Binisita ng mga provincial officials ang Alas-asin Elementary School sa Mariveles na may 111 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan.
“Ang ating Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) patuloy sa pagmomonitor at pamamahagi ng mga relief goods sa mga evacuation centers sa probinsya,” giit ng gobernador.