Batangas

Alkalde ng Batangas City namigay ng relief goods

July 26, 2024 Jojo C. Magsombol 270 views

BATANGAS CITY–Namahagi noong Huwebes ng relief goods sa mga mangingisda na naapektuhan ang pamumuhay dahil sa bagyong Carina sa mga baybaying barangay ng lungsod na ito ang alkalde ng siyudad.

Pinamahalaan ang distribution ng relief goods ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at ng Fisheries Division ng City Vet Office.

Mahigit sa 1,000 rehistradong mangingisda sa Fisheries Division ng City Veterinary Office ang nakatanggap ng relief goods.

Isang linggo ng hindi nakakapangisda ang mga ito dahil sa malalaking alon dulot ng habagat at bagyo.

Bagama’t wala naiulat na mga nasirang bangka, ipinaliwanag ni Fisheries Division head Gerry Peralta ang kahalagahan na mai-insure ang mga bangka at ang proseso ng pagki-claim ng insurance benefits sakaling masira ang mga ito.

AUTHOR PROFILE