
May inaabangan sa ending
SA nalalapit na pagtatapos ng Kapuso action series na “Black Rider,” may mga rebelasyon pa na magaganap at mayroong mga karakter na magbabalik. Gaya ni Mariano, na ginagampanan ng veteran action star na si Phillip Salvador.
Malalaman din kung sino ang tunay na ama ng anak ni Vanessa played by Yassi Pressman.
“Sino ba ‘yung tatay…? Actually hindi ko rin alam. Hindi pa nare-reveal sa amin kung sino ‘yung tatay. Pero abangan na lang natin. ‘Yun ang dapat nating abangan kasi may another DNA test na naman,” ayon kay Ruru na gumaganap na si Elias.
“May revisions din talaga na nangyayari po sa mga script natin. Binabasa ko na po ‘yung script, pero ‘yun nga, minsan nagkaka-revisions,” sabi naman ni Jon Lucas, na gumaganap na si Calvin, na gaya ni Elias ay may kaugnayan kay Vanessa.
Nagbabalik din sa serye ang mga karakter nina Romana, na ginagampanan ni Katrina Halili, at si Mariano, na karakter ni Phillip.
“Yes, I’m back. Romana is back. Nakakatuwa na kasali ako doon sa huling laban ng Black Rider at tutulong ako kay Elias. Happy, sobrang happy. Namiss ko sila,” ani Katrina.
Naalala naman ni Phillip nang piliin niya noon si Ruru na maging mentor sa show na ‘Protégé.’
“Ako happy ako talaga. I’m grateful na nagkasama tayo. Being your mentor sa ‘Protégé.’ Isipin mo 14 years old ito noong kinuha ko at sabi ko sa kaniya, ‘Magiging action star ka,’” pagbalik-tanaw ni Philip kay Ruru.
“Alam kong gagaling ka. Always be humble. Always look back where you came from. Ilapat mo palagi ang mga paa mo sa lupa. Hinding-hinding ka magkakamali sa patutunguhan,” dagdag na payo ni Philip kay Ruru.
Arci inalmahan ang bashings
INALMAHAN ni Arci Muñoz ang mga natatanggap niyang pamba-bash dahil sa kaniyang pagiging isang “favored” na BTS fangirl.
“Ewan ko po. During that time, I was just really—they’re my source of happiness. Basta as long as I’m happy,” panimula ni Arci sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.
“It’s strange that people, you know, parang of course they’re gonna talk na siyempre kung anong gusto nilang sabihin. They already have a perception of you in their heads, so kung hindi mo ma-achieve ‘yun sa naiisip nila, may issue ka,” dagdag niya.
Sa kabila nito, sinabi ni Arci na hindi niya hahayaang maapektuhan siya ng mga negatibong komento.
“I know myself more than anyone else,” sabi niya.
Kasalukuyang nasa hiatus ang K-pop global icon na BTS dahil sa kanilang mandatory military service. Nakatakda silang mag-reconvene bilang grupo sa 2025.
Si Jin ang unang miyembro na nakapagtapos ng kaniyang service at discharged na sa military noong Hunyo 12.
On active duty pa sa kasalukuyan sina RM, Jimin, V, Jungkook, J-Hope, at Suga.
Marian buwis buhay sa bagong pelikula
IPINALABAS na sa Facebook page ng Cinemalaya ang official 15-seconder trailer ng ‘Balota’ na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at umani nga kaagad ito ng papuri mula sa netizens.
Kasunod naman nito ay in-upload din sa official Facebook page ni Marian ang ilan sa mga eksena kung saan siya ay umakyat sa mataas na puno.
“Kinabahan ako ng sobra pero kinaya…” caption ng kanyang post. Marami ang humanga dahil ipinakita nito kung paanong ‘buwis-buhay’ ang nagagawa ng isang guro tuwing eleksyon.
Sa kabila ng lahat ng mabibigat na eksena ay ibinahagi naman ng Kapuso actress na malaking tulong na ginabayan siya ni Direk Kip sa buong pelikula.
“Masasabi ko siguro na naging madali para sa akin hubugin ang character ni Teacher Emmy dahil napakagaan kausap ni Direk. Kumbaga hinuhulma niya sa akin sino si Teacher Emmy so hindi mahirap na pasukin ‘yung character na iyon,” ani Marian.
Sa isang interbyu naman ay ibinahagi ni Direk Kip ang pagiging collaborative ni Marian.
Dagdag pa niya, “She’s very daring when it comes to what she’s willing to do physically. Umakyat ng puno, pumunta sa mga ugat-ugat ng puno na putik-putik, masugatan, madapa.”
Mas pinili rin daw gamitin ni Marian ang actual 2007 ballot box, kung saan niya nakuha halos lahat ng sugat at galos sa buong pelikula.
Handog ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, isa ang ‘Balota’ sa dapat abangan sa taunang Cinemalaya Film Festival simula Agosto 2.
Ang tunay na panalo
NANANATILNG panalo sa ratings ang award-winning game show ng GMA Network na “Family Feud!”
Pero ang tunay na panalo ay ang mga studio player at avid viewers ng show. Bukod sa celebrity players na naghuhulaan ng survey answers, araw-araw ding may nananalong viewers sa mas pinalakas at mas pinasayang “Guess To Win” promo.
Limang survey questions ang lalabas sa commercial breaks ng GMA Afternoon Prime shows. May additional 2 questions din na ipapakita sa mismong episode ng “Family Feud.” Para ipadala ang inyong mga sagot at malaman ang iba pang detalye, bisitahin lang ang http://gmanetwork.com/ FamilyFeudGuessToWin.
Araw-araw inaanunsyo ng “Family Feud” ang 7 winners ng “Guess To Win” promo na makakatanggap ng P20,000 each!
Ano pang hinihintay ninyo? Sali na, mga Kapuso, at tumutok lang sa “Family Feud,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 5:40 p.m. sa GMA-7 at Kapuso Stream.
Nangunguna pa rin sa ratings
PATULOY ang pangunguna sa ratings ng flagship radio stations ng GMA Network, ang Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1 Forever!
Ayon sa Nielsen Audience Measurement (RAM) data para sa buwan ng Hunyo, number one para sa mga tagapakinig ng AM radio stations sa Mega Manila ang Super Radyo DZBB 594.
Pagdating sa FM radio stations, nangunguna naman ang Barangay LS 97.1 Forever! Ang podcast series nito na “Barangay Love Stories” ay umabot na rin sa higit na isang milyong followers sa Spotify.
Patuloy na makinig sa Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1 Forever! mula Lunes hanggang Linggo. Sundan ang kanilang mga official social media accounts sa Facebook, TikTok, at YouTube. Para sa mga tagapakinig online, mayroong live audio streaming sawww.gmanetwork.com/radio.