BINI1

SB19 at BINI, paandar ang kolaborasyon sa Puregold concert

July 13, 2024 Ian F. Fariñas 283 views

PANALUNG-PANALO ang mga nanood ng katatapos na Nasa Atin Ang Panalo Thanksgiving Concert ng Puregold sa Araneta Coliseum dahil career kung career ang ginawang performances ng OPM favorites na BINI, SB19, Flow G, Sunkissed Lola, Gloc-9, Skusta Clee at marami pang iba.

Casting coup ngang maituturing ang pagsasama-samang ito ng ilan sa pinakamaiinit na artists ng kasalukuyang henerasyon kaya naman literal na dumagundong ang Big Dome sa lakas ng hiyawan at tilian ng Blooms, A’Tins at loyal Puregold employees, partners at customers.

Hindi binigo ng BINI ang Blooms dahil kinanta nila ang kanilang hits tulad ng Pantropiko at Huwag Muna Tayong Umuwi. Lalo pang nayanig ang Araneta nang biglang sumulpot sa stage si SB19 Justin at nakisayaw ng Salamin, Salamin sa sikat na all-female P-pop group.

Isa lamang ‘yan sa maraming pasabog na collaborations na nasaksihan ng audience nu’ng Biyernes ng gabi, kabilang na ang pagsayaw din ng apat na BINI members ng Gento kasabay ang SB19.

Sina Gloc-9 at Flow G naman, nag-collab din sa isang awitin habang si SB19 Stell, hinangaan sa kanyang “pagbirit” ng Pasilyo kasama ang bandang nagpasikat nito, ang Sunkissed Lola.

Ang fresh talents gaya ng Letters from June, Esay at Kahel ang nagsilbing front acts ng concert.

Ayon kay Puregold Price Club President Vincent Co, ang tagumpay ng katatapos na thanksgiving concert ay selebrasyon ng ika-25 taon ng Puregold na may 500 branches na ngayon.

“We have also forged a path for others to create their own Panalo stories. This event is our way of showing appreciation to our loyal shoppers and the community that helped us get here,” dagdag ni Co.

Nauna rito, ni-release ng Puregold ang original music na ginawa ng concert headliners. “This treat provided A’tin, Blooms, Flow G followers, Dolores and hip-hop and rap fans with exciting new music videos from their favorite artists,” anang Puregold management.

AUTHOR PROFILE