
Boga, explosives, bala nahukay sa Majayjay
NAREKOVER ang matataas na kalibre ng baril, pampasabog at mga bala na ibinaon malapit sa malaking puno sa Majayjay, Laguna noong Miyerkules.
Base sa ulat 1st at 2nd Laguna Provincial Mobile Force Company (LPMFC) sa pangunguna ni P/Capt. Rolly Dahug Kay Laguna OIC Provincial Director P/Col. Gauvin Mel Unos, nahukay ang isang sako naglalaman ng explosives, mga baril at mga bala dakong alas-7:15 ng gabi.
Narekober ang isang .38 caliber sub machine gun, dalawang rounds ng 40mm (M203) grenade HE at 15 rounds ng cartridge 5.56 mm ball ammunition.
Base sa sa ipinarating na impormasyon ang mga nahukay ng awtoridad ng isang informant ng pulisya na ibinaon sa Brgy. Botocan, Majayjay, Laguna.
Hinihinalang ng awtoridad na ginamit ng makakaliwang grupo o isang individual na hindi nakikilala ang mga narekover.