Carlo

Ex ni Carlo nagpaliwanag kung bakit wala ang anak sa kasal

June 12, 2024 Vinia Vivar 408 views

Sinagot na ng ex-girlfriend ni Carlo Aquino na si Trina Candaza kung bakit wala ang anak nila na si Mithi sa kasal ng aktor at ni Charlie Dizon last Sunday, June 9, sa Silang, Cavite.

Marami kasi ang nagtatanong kung bakit hindi man lang kinuhang flower girl ni Carlo ang kanyang three-year-old daughter na si Mithi.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay sinabi niyang nakausap niya si Trina at tinanong din niya kung bakit hindi naging part ng entourage si Mithi.

“Tinanong ko si Trina. Sabi ni Trina, nasa kanya lang daw si Mithi. Baka daw ‘yung iba, ma-misinterpret na ‘di niya pinayagan, ha?” sabi ni Papa Ogs.

Ayon kay Trina ay hindi nagtanong sa kanya si Carlo kung pwedeng dumalo si Mithi sa kasal.

“Carlo daw didn’t ask if pwedeng um-attend si Mithi. Pero kay Trina, eh, kung nagpaalam lang si Carlo, bakit naman daw ang hindi. Eh, hindi nga nag-reach out sa kanya,” kwento pa ni Ogie.

“Ako naman, naiintindihan ko rin naman si Trina kung saan nanggagaling at naiintindihan din naman natin si Carlo kung saan nanggagaling. Na baka ayaw niya munang gambalain at gusto niya ay focus lang siya sa anak niya ‘pag sila nagkita ni Mithi,” sey pa ni Ogie.

So, there.

AUTHOR PROFILE