
Sweet moments nina Carlo at Charlie sa socmed kinondena ng haters
Nagpakilig si Carlo Aquino sa mga tagahanga niya nang mag-post siya ng bagong sweet photos nila ng misis na si Charlie Dizon.
Makikita sa mga larawan ang paglalambingan at intimate moments nilang mag-asawa.
Ang sweet din ng caption na inilagay ni Carlo na halatang super-in love talaga.
“Umaapaw ngunit tahimik. Kaakibat ng mga damdaming nagtatalik…,” caption ng aktor.
Inulan ng reaksyon ang nasabing mga larawan at kung marami ang kinilig ay marami rin ang nang-bash sa mag-asawa, lalo na kay Carlo.
Mababasa sa komento ng mga hater ang pagkondena nila sa aktor sa ginawang pagpapakasal kay Charlie at pag-iwan sa ex-girlfriend at ina ng anak niya na si Trina Candaza.
Narito ang ilan sa negative comments na nabasa namin:
“Sana nanahimik na lng kayo.. haha. Mas makatotohan pa. Congratulations… time will reveal whose loss it truly was.”
“Hooooy, di kba kinikilabutan?”
“Congrats, pero i felt like @charliedizon_ was too good for you or @charliedizon_ deserves better man pa? Ewan ko lang…ndi buo ung happiness aura nyo kasi cguro dahil may nasasaktan na ibang tao…hay…”
“Sana huwag magbago pero sana huwag mo din kalimutan si baby mithi, im sure trina is strong woman and one day mahhanap niya din ang pra sa kanya.. Sana mahalin nio si mithi at huwag mo klimutan responsibility sa knya i know charlie na mmhlin nia din si mithi.”
Pero marami rin naman ang masaya para sa mag-asawa at ipinangtanggol nila ang mga ito sa bashers.
“Let them be. Kahit magalit kayo o mainis dahil pakiramdam nyo nakasakit sya, wala naman kayong magagawa. Silang dalawa (Charlie) nasa relasyon hindi tayo kasali dun. Hindi naman matitigil pagiging ama nya sa anak nya. Nagpakasal lang sya. And please he is not the first person to be married with a kid. Hindi nyo rin alam ang relasyon na meron sila Trina and Carlo. I mean nakakasuka yung mga taong bitter. They have the right to be happy regardless what we think. Please give them peace. Let them enjoy their marriage,” komento ng isang tagapagtanggol.