Bagong Silang

Brgy. Bagong Silang hahatiin sa 6

April 5, 2024 Chona Yu 330 views

PINIRMAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. an batas na maghahati sa Bagong Silang sa Caloocan City sa anim na barangay.

Base sa Republic Act No. 11993, hahatijn ang Brgy. 176 o Bagong Silang sa Barangay 176-A, 176-B, 176-C, 176-D, 176-E at 176-F.

Inaatasan ang Commission on Elections na magsagawa ng plebisito sa Brgy. 176 sa loob ng 90 araw simula ng maging epektibo ang batas.

Inaatasan din ng batas ang pagtatalaga ng mga interim barangay officials kasama ang Punong Barangay, pitong Sangguniang Barangay members, Sangguniang Kabataan chairman, pitong Sanggunian Kabataan members sa bawat barangay. Ang mayor ang magtatalaga ng mga opisyal.

Magsisilbi ang mga opisyal hanggat may mahalal na opisyal.

“All newly created barangays shall be entitled to the National Allotment shares pursuant to Section 285 of Republic Act No. 7160, as amended, otherwise known as the Local Government Code of 1991,” sabi ng batas.

AUTHOR PROFILE