Maureen Larawan mula sa IG/Maureen Wroblewitz

Kulang sa bundok, bawing-bawi sa tambok

March 14, 2024 People's Tonight 168 views

FLAT-CHESTED man kung ituring ng iilan ang model-beauty queen na si Maureen Wroblewitz, bawing-bawi naman ito pagdating sa patambukan ng wetpaks.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, Marso 13, tila umuusok ang mga larawan na kanyang ibinahagi dahil sa sizzling hot body ng “Asia’s Next Top Model” 5th season winner habang nasa isang beach sa Los Angeles, California.

“Sweet and sour,” saad niya sa caption ng kanyang post.

Bida ang katawan ni Maureen sa pink na two-piece bikini na kanyang suot. Nag-uumapaw ang karisma nito mula sa Mestiza beauty niyang taglay.

Tila pinanggigilan naman ng netizens ang ibinanderang pwet ng model-beauty queen. Inalon ang mga komento sa kanyang comment section. Pinapurihan ang kaseksihan ni Maureen sa nasabing post.

Narito ang ilang komentong matatagpuan sa nasabing larawan niya: “A STUNNER!!!”, “OH MYYY GAAAAD”, “GLOWING BABE”, “Well, aren’t you just a fine specimen of human excellence! Keep strutting your stuff, sister”, “I don’t think you have any bad angle”, at “Titikman.”

Dating naging nobyo ni Maureen ang ‘Ere’ singer at ‘Senior High’ actor na si JK Labajo. Ngayon ay napabalitang masaya na sa kanyang personal life ang modelo dahil mayroon na umano itong nobyong Amerikano na ilang beses niya na ring ipinasilip sa kanyang social media.

AUTHOR PROFILE