
KAMARA IPINAGDIWANG WOMEN’S MONTH
NAKIISA ang Mababang Kapulungan sa paggunita ng buong bansa ngayong buwan ng Marso sa National Women’s Month (NWM), sa temang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas; Kakayahan ng Kababaihan, patutunayan”.
“This meaningful celebration demonstrates our solidarity with women all over the country in honoring women’s achievements and advocating for gender equality,” ayon sa mensahe ni Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez.
Si Romualdez ay ang chairperson ng Association of Women Legislators Foundation Inc. (AWLFI) na binubuo ng 86 na kababaihang mambabatas, sa taunang pagdiriwang ng women’s month sa Kamara.
Sa taunang tradisyon, pinangunahan ni AWLFI president at Bulacan 4th District Rep. Linabelle Ruth Villarica ang All-Women Session bilang acting Speaker.
Sa bisa ng Section 15 (H) IV of the rules of the House of Representatives, itinalaga rin ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sina Committee on women and gender equality chairperson Rep. Geraldine Roman at mga kinatawang sina Stella Luz Quimbo, Maria Rachel Arenas, Anna Marie Villaraza-Suarez, Mary Mitzi Cajayon-Uy, Marlyn Primicias-Agabas, Josephine Veronique Lacson-Noel, Laarni Lavin Roque at Glona Labadlabad bilang presiding officers.
Si Rep. Maria Angela Garcia ang nagsilbing Majority Floor Leader kasama ang mga kinatawan na sina Angelica Natasha Co, Caroline Tanchay, Lolita Javier, Luz Mercado at Rhea Mae Gullas bilang mga Deputy Majority Floor Leader.
Si Rep. Bernadette Herrera naman ang tumayong Minority Floor Leader, habang si Rep. France Castro ang nagsilbing Deputy Minority Floor Leader.
Bukod kay Roman, 11 mga kababaihang mambabaatas din ang nagbigay ng kanilang talumpati upang bigyang diin ang patuloy na hamon sa mga kababaihan sa kasalukuyang panahon.
Ito ay sina Rep. Maria Fe Abunda, Richelle Singson, Ma. Cynthia Chan, Maria Jamina Katherine Agarao, Anna Victoria Veloso-Tuazon, Amparo Maria Zamora, Kristine Alexie Tutor, Marissa “Del Mar” Magsino, Charisse Anne Hernandez, Ma. Alana Samantha Santos at Arlene Brosas.
Pinangunahan ni Rep. Ching Bernos ang pananalangin habang si Rep. Sittie Aminah Dimaporo ang nagsilbi bilang pangkalahatang tagapamahala ng sesyon.
Pinagtibay sa nasabing sesyon ang House Resolution No. 1608 na inakda ni Rep. Christopher de Venecia at ilang mga mambabatas na nagbibigay ng pagkilala sa dedikasyon ng AWLFI sa pagtataguyod ng karapatan ng mga kababaihan at mga bata, simula nang ito ay itinatag noong 2011 ni dating Rep. Gina de Venecia.
Bilang karagdagang gawain sa pagdiriwang ng Women’s Month, isang forum ang inorganisa ng Gabriela Women’s Party na gaganapin sa ika-13 ng Marso, na tatalakay sa mga nakababahalang usapin ng gender violence.
Sinabi naman ni Villarica, “The high point of the women’s month celebration for us is the fulfillment of our long-held dream to put up the Women and Children Protection Building for the healing clients of the National Center for Mental Health in Mandaluyong City which is scheduled to break ground on March 18.”
“Through this project, the AWLFI of the 19th Congress reiterates our support to the Philippine Mental Health Law,” dagdag pa ng mambabatas.