Inaguration

PRO 4B chief nanguna sa inagurasyon ng 3 PNP stations

March 1, 2024 Jojo C. Magsombol 231 views

INAGURASYON — Pinangunahan ni Police Regional Office 4-B (PRO-4B) Director PBgen. Roger Quesada ang pag-activate ng tatlong bagong police stations sa Puerto Princesa City sa Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City. Nakaposisyon ang tatlong bagong police stations sa Brgy. Luzviminda, Brgy. Macarascas at Brgy. San Rafael. Kasama sa in-activate ang tatlong 313-cc BMW motorcycle na naglalayong pahusayin ang mobility at response capabilities ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO).

“Kaakibat ng mga dagdag na kagamitan at pag-operationalize ng tatlong police stations, inaasahan na higit pa nating pagsusumikapan na maiangat ang kalidad ng ating paglilingkod at maipadama sa bawat mamamayan ng Puerto Princesa ang serbisyong nagkakaisa ng pulis tungo sa Bagong Pilipinas,” sabi ni Quesada. Kuha ni JOJO CESAR MAGSOMBOL

AUTHOR PROFILE