Dentista PAALAM–Si Dok Ting na pinatay sa loob ng bahay patungo sa huling hantungan.

Suspek sa pagpatay sa dentista sa Calapan sumuko

January 21, 2024 Jojo C. Magsombol 606 views

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro–Nasa kustodiya na ng mga pulis ang tatlong suspek sa pagpatay sa isang dentista sa lungsod na ito noong Enero 14.

Sumuko ang mga suspek, na may edad na 15, 16 at 21, sa pulisya noong Biyernes sa tulong ng babaeng city prosecutor na nakipag-ugnayan sa kaanak ng isang suspek.

Boluntaryong sumuko ang 15-anyos na suspek sa mga pulis sa pangunguna ni Calapan City Police Station chief, Police Lt. Col. Danilo U. Driz Jr., at City Prosecutor Dorina Joya noong Biyernes ng gabi.

Narekober ng mga pulis ang mga ninakaw na alahas na pag-aari ng biktimang si Dr. Agustin Anacoreto “Doc Ting” Bolor, 63, na nagtamo ng maraming saksak sa katawan.

Dinala ang dalawa pang suspek sa pulisya mula sa magkahiwalay na lugar para sa mga imbestigasyon.

Natagpuan ang bangkay ni Bolor dakong alas-8:30 ng umaga noong Enero 14 nang gisingin ng kanyang kapatid na babae para mag-almusal.

AUTHOR PROFILE