
MPD chief Francisco: Maynila mananatiling maayos, tahimik
SINIGURO ni Manila Police District (MPD) chief, PBGen. Leo M. Francisco na mananatiling maayos at tahimik ang Lungsod ng Maynila lalo na sa ilalim ng Enhance Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Francisco, ito ay alinsunod sa direktiba ni Philippine National Police chief (PNP) PGen. Guillermo T. Eleazar na paigtingin ang peace and order patrols sa lungsod.
Sa isang command conference, inihayag ni Francisco na mahigpit na ipapatupad ng kapulisan ng MPD ang 8 p.m.-4 a.m. curfew mula August 6 hanggang August 20.
Dagdag ni Francisco na magtutulungan ang lahat ng mga station commanders at mga barangay chairmen upang makapagsilbi sa mga mamamayan at maibigay ang kanilang mga pangangailangan sa panahon ng lockdown.
Nagpaalala rin si Francisco na bawal lumabas ng tahanan ang mga bata.
“Sumunod tayong lahat sa pinag-uutos ng mga LGU at ng MPD alinsunod sa mga direktiba ng Palasyo ng Malacañang at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases laban sa pagkalat ng coronavirus, lalo na ng Delta variant,” ani Francisco.
Ipinag-utos din ni NCRPO director, Major General Vicente D. Danao Jr. sa lahat ng District Director na panatilihing tahimik at maayos ang kani-kanilang areas of responsibility at magiging lalong alerto upang di na lumala pa ang pagkalat ng Delta variant na mas nakakahawa at nakakamatay. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES