Sheila Larawan mula sa IG/@iamsheilasnow

Sheila may ginawa sa bangkang umuuga!

January 20, 2024 People's Tonight 432 views

HINDI napigilan ng mga kalalakihang mag-init nang makita ang takaw-tuksong katawan ng Vivamax actress na si Sheila Snow.

Sa Instagram page ng sexy star nitong Biyernes, January 19, ibinahagi niya ang ilang larawan ng kanyang naging adventure sa Coron, Palawan kung saan nasaksihan ang kanyang alindog.

Nagpasabog ng init si Sheila nang sampalin ng sinag ng araw ang mga pisngi ng kanyang wetpaks at pakwan habang suot-suot ang two-piece bikini.

Todo-awra si Sheila sa mga larawan habang nakatayo sa bangkang sinasakyan niya.

“It was kinda harder to stand on both feet on tiptoes while the boat was swaying. Luckily, I did not fall 🌊 I did though with you 😅 eme…” sey niya sa caption ng kanyang post.

Hindi lang araw ang pinatirik ni Sheila sa bagbabandera niya ng kanyang sex appeal, pati na ang mata ng mga anak ni Adan na nagwala sa kanyang comment section. Agad nilang pinusuan at binaha ng fire emojis ang nasabing post.

“Wow sobra hot 🔥🔥🔥”

“Super hot mo talaga 😍”

“Best view there is because of you.”

“My dream girl.”

Nakilala si Sheila sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Pabuya, Lawa, Hilom, at Ligaw na Bulaklak.

AUTHOR PROFILE