Kulong

Amain hinalikan, nilamas anak-anakan; himas-rehas

January 8, 2024 Edd Reyes 355 views

KALABOSO ang isang pintor nang tangkaing tuhugin pati ang dalagitang anak ng kinakasama matapos pumalag ang biktima nang maramdaman ang kalaswaang ginagawa sa kanya ng amain sa Malabon City noong Lunes.

Hindi na nakapalag ang suspek na si alyas Jonard nang timbugin siya nina Gina Duran at Rodolfo Palito, tanod ng Brgy. Tañong, kasama sina P/SSg Jhon Benedict Rojas at P/Cpl Lorman Cabanada ng Malabon Police Sub -Station 6, dakong alas-12:20 ng madaling araw sa C-4 Road, sa naturang barangay matapos i-report ng kanyang kinakasama.

Lumabas sa inisyal na imbetigasyon ni P/SSg Mary June Belza ng Malabon Police Woman and Children Protection Desk (WCPD) na natutulog ang 15-anyos na biktima sa kwarto nang maalimpungatan matapos maramdamang may humahalik sa kanyang labi at sumasalat sa kanyang ari noong Linggo dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Agad binuksan ng dalagita ang flashlight ng kanyang cellular phone at doon niya nakita ang amain na nakahiga sa kanyang tabi na nangangamoy alak at nagkunwaring natutulog.

Umiiyak na isinumbong ng dalagita sa kanyang ina ang kalaswaang ginawa sa kanya ng suspek na dahilan upang isama niya ang anak sa barangay at pulisya para magreklamo.

Iniutos na ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan sa WCPD na sampahan ng kasong acts of lasciviousness in relation to R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination ang suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.

AUTHOR PROFILE