Default Thumbnail

Karapatan ng mga babae isinulong sa Batangas

December 5, 2023 Jojo C. Magsombol 476 views

PATULOY ang pakikiisa at suporta ng Batangas sa pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan at kabataan sa pamamagitan ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children (VAWC) na ginanap noong Nob. 28. sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Tampok ang temang “United for A VAW-Free Philippines, VAW Free Batangas,” naglalayon ang okasyon na mapalaganap pa ang kamalayan at adbokasiya sa pangangalaga sa mga karapatan ng mga kababaihan.

Sumentro ang mensahe ni Gov. Hermilando Mandanas sa equity at pagkilala, pagtingin at pagsasapuso sa karapatan ng kababaihan, partikular sa papel at ambag ng mga ito sa lipunan.

Patunay aniya rito ang maraming mga babae na namumuno sa Batangas.

Kasabay ng programa, binigyan ng pagkilala ang mga nanalo sa ginawang E-Poster Making Contest tungkol sa VAWC.

Kasabay ng okasyon, isinagawa ang aath-taking ng mga opisyal ng Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities (ERPAT) Federation ng Batangas.

Samahan ang ERPAT ng mga ama at kalalakihan na naglalayong maisulong ang pagiging tunay na mapag-aruga at mapagyaman ng pamilya bilang haligi ng tahanan at katuwang ng mga kababaihan.

Nagbigay ng suporta sina 1st District Board Member (BM) at Sangguniang Panlalawigan Committee on Social Welfare Chairperson Carlo Roman Rosales, 5th District Senior BM Claudette Ambida-Alday, 5th District BM Arthur Blanco, 3rd District BM Fred Corona, Anakalusugan Congressman Ray Reyes at Batangas Provincial Women’s Coordinating Council President, Atty. Cinderella Valenton-Reyes.

AUTHOR PROFILE