Crime

Trike driver binaril tigok

December 4, 2023 Gil Aman 444 views

TIGOK ang 46-anyos na driver matapos barilin ng isa sa dalawang lalaki habang nakasakay sa kanyang tricycle malapit sa SM City sa Brgy. Tagapo, Sta Rosa City noong Linggo.

Kinilala ng Sta Rosa Police ang biktima na si Marlo Bautista Caguimbal ng Sta Rosa City.

Patay agad ang biktima dahil sa dalawang tama ng 9mm sa katawan, ayon sa mga pulis.

Ayon sa report kay Laguna officer-in-charge Provincial Director P/Col. Harold Depositar naganap ang pamamaril dakong alas-8:00 ng gabi habang nakaparada ang tricycle ng biktima sa gate 2 ng SM City.

Tumakas papunta sa Cabuyao City, Laguna ang dalawang suspek matapos ang pamamaril, ayon sa report.

Inaalam ng pulisya ang motibo kung may kinalaman ang pagpatay sa usapin ng paradahan ng mga tricycle driver sa lugar.

AUTHOR PROFILE